• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, nanawagan sa mga Bulakenyo na magpa-COVID booster shot

LUNGSOD NG MALOLOS- Nananawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna ng karagdagan laban sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso.

 

 

“Bagaman hindi pa gaanong kalala ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lalawigan kumpara sa mga karatig nating lugar, nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag nang hintayin ang paglala ng sitwasyon ng COVID bago tayo umaksyon. Bukas po ang ating mga vaccination sites upang makapagpa-booster tayo, at bigyan ang ating mga sarili ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19,” anang gobernador.

 

 

Sa ulat ni Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka B. Celis kahapon sa ginanap na online na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, sinabi niya na nakapagbakuna na ang Pamahalaang Panlalawigan ng kabuuang 5,756,301 bakuna kontra COVID at 647,334 lamang dito ang booster shots.

 

 

Binanggit din niya na 2,490,490 o 82.63% ng eligible na populasyon ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Celis na kasalukuyang ipinatutupad ng Bulacan Medical Center ang Appointment System upang maiwasan ang pagdagsa ng pasyente sa Out-Patient Department at mailayo sila sa posibilidad ng pagkalat ng virus.

 

 

Maaaring tumawag ang mga Bulakenyo sa BMC Hotline sa (044) 482-4207 o magpa-rehistro sa OPD Online Appointment sa www.facebook.com/BMCOPDKonsulta upang makapag-iskedyul ng pagbisita sa ospital mula Lunes hanggang Sabado.

 

 

Dagdag pa ni Celis, tatanggapin ang mga emergency na kaso sa ospital, 24 oras sa isang araw.

 

 

Nakapagtala ng 660 bilang ng aktibong kaso sa Bulacan noong Hulyo 18 habang sa kabuuan, nagkaroon ang lalawigan ng 110,617 beripikadong kaso ng COVID-19, 108,225 na paggaling, at 1,732 na pagkamatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Palaban sa mga sexy scenes kaya maraming views: ANGELI, isa sa itinuturing na ‘superstar’ sa digital platform na Vivamax

    SI Angeli Khang ay isa sa itinuturing na superstar sa digital platform na Vivamax.     Most of her movies sa Vivamax ay maraming views. Wala rin naman kasing kaba itong si Angeli pagdating sa hubaran, tulad ng latest movie nya titled Pusoy.     Kumbaga sa larong Pusoy, laging bwenas sa si Angeli sa […]

  • Commissioner Garcia ‘nagmamaka-awa’ sa NBI na ilabas na finding sa ‘data breach’ sa Smartmatic

    NANAWAGAN sa National Bureau of Investigation (NBI) si Comelec Commissioner George Garcia na ilabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y security breach sa automated election system ng Smartmatic.     Ayon kay Garcia, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatanggap ng Comelec ang report sa imbestigasyon ng NBI kaya hindi rin nila […]

  • Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz

    NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting.     Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru […]