Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting.
Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru bago natapos ang nagdang taon.
“’Pag may nagsasabi po na next Hidilyn Diaz daw ako, nape-pressure po ako. Pressure kasi parang ang laki na po ng expectation nila sa akin kasi nga next (2016 Rio de Janeiro Olympics silver winner) Hidilyn daw ako. Nakaka-pressure po talaga,” litanya ni Sarno.
Ang 29-anyos, 4-11 ang taas, tubong Zamboanga City at naghahangad ng ikaapat na sunod niyang Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa darating na Huly, ang pinakamatagumpay na babaing barbelista sa kasayyan ng buhatan sa ‘Pinas.
Bukod sa RDJ Olympics, nakamedalya na rin siya sa World championships, World Cup, Asian Games, Asian Championships, Southeast Asian Games at iba pang mga paligasahan sa loob at labas ng bansa. (REC)
-
“Better response coordination” sa LGUs’, target ng NDRRMC
TARGET ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang “better disaster response coordination” sa local government units (LGus). Sinusuri nito ang sistema kasunod ng mataas na record ng casualties mula sa pananalasa ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae). Sinabi ni NDRRMC assistant secretary Bernardo Alejandro IV na ang ahensiya […]
-
Nagbigay ng Certificate of Commendation si Sec. Ernesto V. Perez
PERSONAL na ipinagkaloob ni Sec. Ernesto V. Perez, Director General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kay Mayor John Rey Tiangco ang certificate of commendation na igiwad ng ARTA sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagiging isa sa mga huwarang Local Government Units (LGUs) para sa matagumpay na pagpapatupad ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) ng Business Permits and […]
-
Pagpapalakas ng sistema vs bank fraud dapat unahin
Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko. Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para […]