• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA

ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City.

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, residente ng Barangay Maysan at listed bilang isa sa mga most wanted person sa lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensya ng suspek sa kanilang lugar.

 

 

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pamumuno ni P/Major Marissa Arellano saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kanyang bahay.

 

 

Ani Major Arellano, isang 16-anyos na dalagita ang nagsampa ng kasong rape kontra sa suspek noong December 2016.

 

 

Si Jacinto ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 31, 2017 ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270  para sa kasong rape at walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

Other News
  • SEA Games federation magpupulong muna kung tuluyang kakanselahin ang torneyo

    Magpupulong ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24.     Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine […]

  • Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa

    Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan.     Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]

  • Bilang ng mahihirap na pamilya, mahigit sa 43% – Anakpawis

    POSIBLENG mahigit pa sa 43% o 10.9 milyon  pamilyang Pilipino ang mahirap.     Ito ang reaksyon ng Anakpawis Party-list sa lumabas na Social Weather Station (SWS) poverty survey para sa unang bahagi ng taon.     Sa naturang survey na ginawa mula Abril 19 hanggang Abril 27, lumalabas na 43% ng mga Pinoy ang […]