Okay na after ma-diagnose na may ‘Ramsay Hunt Syndrome’: JUSTIN BIEBER, magbabalik na sa kanyang naudlot na ‘Justice Tour’
- Published on July 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING dream pala noon ng aktres na si Ina Feleo ang mag-compete sa Olympics sa sport na figure ice skating.
Bago naging artista si Ina, nag-train siya bilang isang figure ice skater sa edad na 9.
“Nag-start ako nine years old, ‘yung pinsan ko galing Cebu may competition sila dito sa Manila so sumama ‘ko ng rehearsal and then sabi nila, ‘gusto mo i-try?’
“So ako naman, sige, and then I stepped on the ice, two hours walang tigil, ‘di ako lumalabas ng yelo and the rest was history. Parang sobrang naadik talaga ako and got so into it. Ang dream ko talaga noon maging Olympic champion,” pagbalik-tanaw ni Ina.
Isa sa nag-train kay Ina noon abroad ay ang Japanese figure skating champion and technical specialist na si Shin Amano. Hindi pa raw popular ang ice skating noon sa Pilipinas kaya hirap si Ina na ma-achieve ang kanyang Olympic dream.
Sey ni Ina: “Siyempre marami ring pumigil, maraming aspects kung bakit mahirap na mahirap pa siyang ma-achieve lalo na before wala tayong Olympic size rinks, napakamahal na sport no’ng figure skating. Siyempre, ‘yung coaches natin hindi pa trained. Basta maraming gano’n.
“Mga twice I went to the States to train. Talagang lahat ng pera nila Daddy parang binuhos para magkapag-train ako but then, at some point, this was ‘yung magka-college na ‘ko. Parang na-feel ko rin na ‘di ko ma-a-achieve ‘yung maging Olympic champion realistically kasi I was 16. ‘Pag 16 ka na dapat, at that point, competing ka na in Olympic level na which I wasn’t yet, ganyan.”
Basta na lang daw tumigil si Ina sa kanyang training dahil pakiramdam niya ay di na niya maabot ang pangarap niya.
“Kumbaga, ginive up ko s’ya, ‘yun naman ‘yung pinagsisihan ko kung bakit ko ginive up completely. Tumigil talaga ‘ko, hindi talaga ‘ko nag-skate, ngayon lang talaga ‘ko bumalik so that’s how it ended.
“Pero ang dami kong natutunan, feeling ko ang laking parte kung sino ako ngayon dahil naging athlete ako before. ‘Yung disiplina sa lahat, mental discipline, ganyan ang dami kong natutunan sa skating.”
After 20 years, muling bumalik si Ina sa kanyang unang minahal na figure ice skating. Hindi na raw niya goal ang makapasok pa sa Olympics, gusto na lang daw niyang i-enjoy ito bilang isang hobby.
Kasalukuyang napapanood si ina bilang kontrabida sa GMA Afternoon Prime teleserye na Raising Mamay.
***
MAPAPANOOD na sa kauna-unahang pagkakataon sa GMA ang champion ng The Voice Kids Philippines Season 1 na si Lyca Gairanod sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 24.
Sa special episode ng well-loved comedy program, ibabahagi ni Lyca ang kanyang buhay bilang vlogger, artista, at isa sa successful singers ng kanyang henerasyon.
Magpapakitang gilas din si Lyca sa pag-arte bilang kontrabida sa isang nakakatawang improvised segment kasama sina Boobay at Tekla. Kasali rin siya sa iba pang laro at mga pakulo ng naturang show.
Abangan ang mga ito sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
***
MAGBABALIK na sa kanyang Justice Tour si Justin Bieber.
Ayon sa Canadian pop star, nakatakda siyang bumalik sa kanyang tour on July 31 sa Lucca Summer Festival in Italy.
Wala pang announcement kung kelan ma-resume ang mga na-cancel niyang tour dates sa North America noong June pagkatapos siyang ma-diagnose na may Ramsay Hunt Syndrome na siyang cause ng kanyang facial paralysis.
Nakapagpahinga na raw si Justin at nakatulong ang naging bakasyon niya sa isang ranch sa Idaho kasama ang singer-friend-mentor na si Usher.
Ayon pa kay Usher: “Justin is doing great. Seeing him on vacation, we managed to hang out with each other, and I think that whatever he may be experiencing right now it’s actually really great to see that he has the support from his fans and his family.
“As an artist, I think we are all going to experience some things that people may not necessarily understand. A performer’s life comes with a great deal of pressure. I think [Justin] has obviously taken the world on a journey. I am happy that I was at the beginning of and I am still a part of to this day, as a friend.”
Isa sa Usher sa nag-mentor kay Justin noong ma-discover nila ito ni Scooter Braun sa isang YouTube video noong 2007. Ngayon ay isa sa best-selling music artists of all-time si Justine with 150 million records sold worldwide.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas
Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto. Sinabi pa ni Uichico na hindi ito […]
-
Fury sabik ng makaharap si Wilder sa ikatlong pagkakataon
Tiniyak ni British boxer Tyson Fury na kaniyang pahihirapan ang American boxer na si Deontay Wilder sa kanilang paghaharap para sa heavyweight fight sa Oktubre 10 sa Las Vegas. Dagdag pa ng 33-anyos na si Fury, uulitin niya ang diskarte nito noong ikalawang paghaharap nila noong Pebrero 2020 na nagresulta sa pagkatumba nito […]
-
National budget, hindi maaapektuhan ng Maharlika Investment Fund -Balisacan
TINIYAK ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi maaapektuhan ng Maharlika Investment Fund (MIF) ang national budget para sa fiscal year 2024. “To begin with, the total budget is going P5.3 trillion, we are talking only about P135 billion but even that is not part of the budget – these […]