Kakulangan sa pagkain, presyo ng bilihin inaasahang tutugunan ni PBBM
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ilalatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang solusyon para magkaroon ng sapat na pagkain at masawata ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay House tax panel chairman, Albay Rep. Joey Salceda, ang pangako ni Marcos na posible ang P20 kada kilo ng bigas ay isang malaking pangako na dapat tugunan.
Aniya, tanging si Marcos lamang sa hanay ng mga kandidato sa pagkapangulo ang nagtakda ng mga aspirational goals at grand national ambitions katulad ng P20 kada kilo ng bigas.
“Among presidential candidates, only President Marcos has set aspirational goals and grand national ambitions …P20 per kilo of rice as possible…it is an aspirational goal and very difficult to achieve, but this objective, coupled with the President’s decision to be Agriculture secretary, shows how seriously the new President treats food security issues,” ani Salceda.
Sinabi rin ng solon na malamang na tututukan ni Marcos ang tatlong pangunahing areas sa agrikultura, mas maraming ani, mas mababang gastos sa input, mas direktang paghahatid sa mga end-user upang bawasan ang mga presyo ng consumer ng pagkain at modernisasyon ng mga value chain at logistica para sa agrikultura. (Daris Jose)
-
Football star Cristiano Ronaldo, nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa coronavirus ang football star na si Cristiano Ronaldo. Ayon sa Portuguese Football Federation, walang anumang sintomas ito ng virus at ito ay naka-isolate na ngayon. Nakapaglaro pa ang 35- anyos na Juventus forward labans a France sa Nations League nitong Linggo at friendly game naman sa Spain noong nakaraang linggo. Dahil […]
-
Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland
Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain. Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0 noong Huwebes. Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa Sabado. […]
-
Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA
NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa. Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan. Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa […]