• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera

NAGBABALA  ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa.

 

 

 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation of authority, falsification ng public documents at large-scale estafa.

 

 

 

Ito ay matapos na isang lalaki na alias Jay Lagrimas ang inaresto noong Martes dahil sa pagpapakilala umano nito na staff ng DSWD- NCR at pinagsasabi sa mga tao na sila ay mapapabilang sa lsitahan o recepient ng DSWD assistance kapalit ng pagbabayad ng registration fee.

 

 

 

Paliwanag ng DSWD official na ipinagbabawal sa kanilang empleyado na magbahay-bahay para direktang makipag-usap sa mga tao para sa transparency reasons.

 

 

 

Itinuturing aniya ng ahensiya ang naturang scheme na pagpapanggap bilang kanilang empleyado para mangikil ng pera na gawain ng mga kriminal na grupo.

Other News
  • Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

    WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.   Ani […]

  • Pinas, kinondena ang umiinit at umiigting na labanan sa Israel

    KINONDENA ng gobyerno ng Pilipinas,  ang nagpapatuloy na labanan sa  Israel.     Tiniyak ng gobyerno  mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa  Philippine Embassy sa Tel Aviv para tiyakin ang kaligtasan ng mga  Filipino.     “The Philippines condemns the attacks, especially against civilian populations,” ayon sa  Office of the President (OP) kasunod ng sorpresang pag-atake ng […]

  • Tanggap ng pamilya ang kanilang relasyon: KLEA, malayang-malaya na makasama ang girlfriend na si KATRICE

    NATUWA ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III na muli silang nagkatrabaho ni Dingdong Dantes pagkaraan ng isang dekada.       Kuwento ni Kuya Pip na tuwing nagkikita sila ni Dong, ang tawag niya rito parati ay Carlos Miguel. Yun kasi ang pangalan ni Dong sa unang teleserye na pinagsamahan nila na […]