• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’.

 

 

 

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, may kabuuang 1,275 MLs at 169 LLNs mula sa Unang Distrito at 1,061 MLs at 170 LLNs mula sa Ikatlong Distrito ang tumanggap ng kanilang cash incentives noong Lunes, Hulyo 11 sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta. Isabel dito habang 868 MLs at 152 LLNs mula sa Ikalawang Distrito at 962 MLs at 145 LLNs mula sa Ikaapat na Distrito naman ang tumanggap noong Biyernes sa Bulacan Capitol Gymnasium.

 

 

 

Samantala, sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na nakasandal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga ML at LLN sa pagtitiyak na matatanggap ng mga ordinaryong tao ang tulong ng pamahalaan at pati na rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mahahalagang anunsyo.

 

 

 

“Mahalaga ang gampanin ng ating mga Mother Leaders at Lingkod Lingap sa Nayon; sila ang kumakatawang ina sa ating mga komunidad na kumakalinga at nangangalaga sa ating mga kalalawigan, lalo na iyong mga nangangailangan. Sila ang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at umaasa kami sa inyong mabuting serbisyo upang lalong mapabuti ang ating lalawigan. Asahan ninyo na patuloy rin ang suporta sa inyo ng pamahalaan kapalit ng inyong walang katumbas na pagmamahal sa ating kapwa,” anang gobernador.

 

 

 

Regular na ibinibigay ang tulong pinansiyal para sa mga ML at LLN kada quarter.

 

 

 

Isinagawa ang quarterly meeting kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon kung saan tinalakay din ng PSWDO ang mga direktiba ng gobernador hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue at ang mga tulong na maibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ML at LLN.

Other News
  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]

  • Kelot na nanggulo habang armado ng sumpak, swak sa selda

    ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City.     Dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas […]

  • Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sabik na makasama ang 16-anyos Fil-Am na si Caelum Harris

    NAGPAHAYAG ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris.     Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program.     Inaasahan na sa buwan ng Marso ay […]