PDu30, binati si Sec. Cimatu
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
BINATI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu sa nagawa nitong progreso sa Manila Bay kung saan ang huli rito ay ang paglalagay ng white dolomite sand sa kahabaan ng baywalk.
“Let us begin by congratulat- ing Secretary Cimatu. You know I remember that meeting I think everybody was there when I said ‘Kaya mong linisin to?’ And the answer was very curtly given,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“He said, ‘Kaya.’ People now are really enjoying the reclaimed area with the white sand maski na papaano,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na palagi na lamang na naghahanap ng mali ang mga kritiko sa mga ginagawa ng pamahalaan.
“Wala naman tayo magawa. You do it, may masabi sila,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Ads February 14, 2020
-
Sa pagkakaalis ng video ng gender reveal: YASMIEN, nagulat sa rason na bullying and harassment
HINDI namin masisisi si Yasmien Kurdi kung magkahalong gulat at pagkainis ang naramdaman niya sa pagkakaalis sa Facebook at Instagram ng video ng kanilang gender reveal. Ang rason umano? Bullying and harassment! Kaloka, di ba? Kaya naman inilahad ni Yasmien sa kanyang Facebook page ang kanyang saloobin tungkol dito kalakip ang […]
-
Marcelino sobra na ang sakripisyo
PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round. Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang […]