• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!

HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para ang­kinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon.

 

 

Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa ring bagong Asian record at kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa world championships.

 

 

“2022 World Athletics Championships. Philippines is the best in Asia for pole vault. And 3rd best in the world,” sigaw ng 6-foot-2 na si Obiena sa kanyang Facebook post. “Hungry for more cookie. The best is yet to come.”

 

Sinira ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang dati niyang personal best na 5.93m na itinala niya sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

 

 

Nauna nang nabigo ang 26-anyos na si O­biena noong 2019 edition ng world championships nang hindi makausad sa final 12.

 

 

Madali niyang natalon ang 5.55m sa kanyang first attempt, ang 5.70m sa second attempt at 5.80m at 5.87m sa first attempt.

 

 

Inangkin ni world record-holder at Olympic Games winner Armand Duplantis ng Sweden ang gold medal sa pagpoposte ng bagong world record na 6.21m  habang si American Chris Nilsen ang kumuha sa silver sa nilundag na 5.94m.

 

 

Naagaw ni Nilsen ang silver medal kay Obiena via countback nang makuha ng American ang 5.94m sa kanyang first attempt  habang nailista ito ng Pinoy bet sa second attempt.

 

 

Inaasahang makakatanggap si Obiena ng cash incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa Philippine Olympic Committee (POC).

Other News
  • Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko

    Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.     Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang […]

  • Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021.   […]

  • Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture

    STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community.     Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU     Easter Sunday […]