• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.

 

 

Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa Tayum, Abra dakong alas-8:43 ng umaga na may lalim na 17 kilometers.

 

 

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Phivolcs na maaaring magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

 

 

Ilang mga pinsala na rin ang iniulat ng mga otoridad sa imprastraktura at patuloy pa ang assessment sa mga lugar na nakaramdam ng may kalakasang pag-uga ng lupa.

 

 

Sa lakas ng lindol naramdaman ito hanggang sa Metro Manila kung saan may ilang mga residente ang naglabasan sa kanilang mga tahanan at ilang matataas na gusali.

 

 

Samantala, Pres. Marcos, nagkansela ng aktibidad para asikasuhin ang epekto ng lindol.

 

 

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng tulong ang mga apektado ng magnitude 7.0 na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.

 

 

Ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, may mga aktibidad sanang nakahanay ang pangulo, ngunit minabuti nitong tutukan na lang muna ang pagtugon sa mga nasalanta ng kalamidad.

 

 

Maging sa Malacanang ay naramdaman din ang pagyanig, pati na sa iba pang parte ng Metro Manila.

 

 

Kaya naman, agad nagsagawa ng inspeksyon ang engineering team ng palasyo upang matiyak na walang pinsala ang mga gusali sa complex, bago payagan ang mga tauhan na makabalik sa kanilang tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado

    MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga  old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan.     “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]

  • ‘Pink Sunday,’ idinaos sa Quezon City Circle

    NAGING kulay rosas ang Quezon City Memorial Circle noong Feb 13, Sunday kasunod nang pagdaraos ng “People’s Proclamation Rally” ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang presidential bid, na tinaguriang ‘Pink Sunday.’     Nagtungo rin naman si Robredo sa QC City Hall kung saan personal siyang winelcome ni QC Mayor Joy Belmonte.   […]

  • Advance ang birthday celebration sa Thailand: XIAN, ipinagsigawan sa lahat kung gaano ka-in-love at kabaliw kay KIM

    KAARAWAN ni Kim Chiu kahapon, April 19.     At nag-advance celebration na nga sila ng boyfriend na si Xiam Lim nang sa unang pagkakataon ngayong pandemic ay nakalabas sila ng bansa at nagbakasyon sa Thailand.     At panalo ang birthday message ni Xian sa kanyang Instagram account para kay Kim.  Talagang ipinagsigawan nito sa […]