• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRTA blacklisted contractors

NAKA-BLACKLIST ang pitong (7) contractors ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil nabigo nilang tapusin ang rehabilitation works sa tamang panahon at iba pang trabaho na siyang naman pinahinto ng Commission on Audit (COA).

 

Dahil sa report ng COA, pinasuspinde ng LRTA ang halos anim (6) na proyekto na hinahawakan ng pitong (7) contractors dahil hindi nasunod ang kani-kanilang deadlines.

 

Pinagutos ng dating LRTA administrator na repasuhin ang mga proyekto sa rehabilitation works at nagbigay din ng kautusan na kanselahin ang mga delayed na kontrata, ipagbawal ang mga service providers at magsampa ng appropriate na charges sa mga nasabing contractors.

 

Dahil sa ginawang pag rerepaso ng mga proyekto, naka-blacklist ang joint venture ng Ma-an Construction Corp at IFE Elevators Philippines In. Sila dapat ang magbibigay ng supply at maglalagay ng 32 elevators at 13 escalators sa estasyon ng LRT 2 kasama na rin ang pagpapalit ng 45 escalators sa revenue line.

 

Binawi rin ang kontrata na binigay sa Well-Built Specialty Contractors Inc. na siya dapat ang mamahala sa pag-aayos ng mga unbonded concrete plinths. Binawi rin ang kontrata na binigay sa joint venture ng Kempal Construction and Supply Corp. at Comm Builders and Technology Philippines Corp upang sila ang maglagay ng train lift.

 

Na-blacklist din ang Kempal and Suzhou Dafang Special Vehicle Co. Ltd dahil sa pagkaantala ng delivery ng rolling stock diagnostic tools.

 

Tinanggal rin sa listahan ng mga qualified contractors ang NAR Power System Specialists Corp pagkatapos na ito ay mabigong makumpleto ang restoration ng LRT 2 rectifier substations sa tamang panahon.

 

Ang LRTA na siyang nagpapalakad ng LRT 2 ay pinagaaralan pa ang ibang kontrata para sa posibleng termination nito dahil sa pagkakaantala na siyang nagiging dahilan upang magkaron ng hindi magandang serbisyo sa publiko ang LRT 2.

 

“The details of the blacklisting orders were posted on LRTA and PhilGEPS websites. There are still a few projects that are undergoing reviews and evaluation and they are in consideration for possible termination,” saad ng LRTA.

 

Sa COA report, ang LRTA’s 2021 performance, lumalabas na 13 mula sa kabuohang 22 LRT 2 rehabilitation works na may total cost na P984.56 million ay naantala ng 1,065 na araw noong pang Dec. 31. Ang nasabing pagkaantala ay nagbunga ng hindi pagbibigay ng tamang benepisyo sa publiko mula sa dapat na reporma sa serbisyo ng LRT 2.

 

“The COA recommended that LRTA slap liquidated damages on contractors who missed out on the deadlines of their projects. It is also recommended that we should consider blacklisting the contractors involved and initiate the takeover of the terminated works,” dagdag ng LRTA. LASACMAR

Other News
  • Solusyon sa korupsiyon sa Immigration, pagpasa ng bagong batas sa Immigration act

    ANG pagpasa ng isang bagong batas sa Immigration ang nakikitang solusyon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente upang matigil ang katiwalian sa ahensiya.   “I have talked to the President and raised this concern to him as well. The Philippine Immigration Act is a very old law, 80 years old to be exact. […]

  • Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

    ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.   Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.   Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa […]

  • Fernando, muling ipinatupad ang curfew, liquor ban sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Simula ngayong araw, ipatutupad muli ng Lalawigan ng Bulacan ang oras ng curfew simula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga; at liquor ban sa buong lalawigan kabilang ang pagbebenta, pagbiyahe, at pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa paglalayong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.     Ayon […]