• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Assessment ng US-based company Bloomberg, pinalagan ng Malakanyang

ITINANGGI at pinalagan ng Malakanyang ang naging assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.

 

Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.

 

Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa 53 bansa base sa 10 key metrics, kabilang na ang  pagtaas ng kaso, mortality rate, healthcare system capacity, lockdown impact, community mobility, at  agreements o kasunduan  sa  vaccine supply.

 

Ayon sa Bloomberg, ang Pilipinas ay nakapagpuntos ng  “poorly” pagdating sa usapin ng  community mobility—o ang  “movement of people to offices and retail spaces compared to a pre-pandemic baseline in the past month”—na may -39.4% score.

 

Sinabi ni Sec.  Roque  na hindi pa niya napag-aaralan ang nasabing report sa kabila ng palagi niyang sinasabi  na ang
government measures ay nagresulta ng  “relatively low mortality rate” para sa COVID-19 at ang maliit na percentage ng malubha at kritikal na kaso.

 

“Tingin ko parang hindi po accurate ‘yan sa aktwal na nangyari. Pinaninindigan po natin that we have managed COVID-19 very well in this country,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dr. Albert Domingo, consultant ng  World Health Organization Philippines, na ang laban kontra pandemiya ay hindi dapat gawing karera ng mga bansa.

 

“This is more of like a marathon kung saan ang laban natin is laban sa ating sariling performance. Kung tayo po ay tumatakbo sa isang mahaba na takbuhan na marathon, hindi mo pinapansin kung nauuna ka o nahuhuli ka doon sa katabi mong tumatakbo,” ayon kay Dr. Domingo.

 

“Ang pinapansin po natin is nadaig ba natin ‘yung dating oras natin, mas mabilis ba ‘yung takbo natin, nagagawa ba natin ‘yung pinakamahusay sa ating paraan,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, ang paglupig sa  COVID-19 ay isang global effort.

 

Idinagdag naman ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na mahirap gumawa ng pagkukumpara sa pagitan ng mga bansa.

 

“’Yung geospatial at tsaka ‘yung tinatawag natin na demographic conditions ng isang country ay magkakaiba,” anito.

 

Samantala, ipinatupad ng Pilipinas ang  isa sa pinakamatagal at pinakamahigpit na  lockdowns na may  quarantine classifications.

 

Para sa buwan ng Disyembre,  inaasahang ia-anunsyo ito ng Pangulo sa Nobyembre  30. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Akusasyon ni VP Robredo, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malinaw na direksyon ang  administrasyon para tugunan ang COVID-19 crisis.   “I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Tila ipinamukha ng Malakanyang kay Robredo ang mga hakbang ng gobyerno  na nagresulta ng mababang mortality rate […]

  • Panukalang pigilan ang paglobo ng teenage pregnancies, pinuri ng Popcom

    PINURI ng Commission on Population and Development (PopCom) ang sponsorship speech ni Senator Risa Hontiveros sa pagpigil sa pagbubuntis ng mga kabataan.     Ayon sa komisyon, lubos nilang sinusuportahan ang panawagan ng mga mambabatas na ipatupad ang mga iminungkahing hakbang ukol sa teenage pregnancies.     Ito’y tinawag ni Hontiveros bilang isang progresibong hakbang […]

  • Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE

    INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.”     Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.     Sa […]