• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program

HINIKAYAT ng advocacy group na  Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges.

 

 

Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr., Ipinanukala ni FEF president Calixto Chikiamco sa administrasyong Marcos ang ilang structural reforms kung saan maaaring malagay ang bansa sa  “sustainable growth track.”

 

 

Isa na rito ang rebokasyon o pagbawi sa  Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas noong Agosto  2017 at naging epektibo noong academic year na 2018-2019.

 

 

Naniniwala si Chikiamco na mas makabubuting magbigay ng  scholarships sa mga ‘underprivileged students’ dahil na rin sa ang mga nage-enroll sa state institutions ay mula naman sa  middle at upper-middle classes.

 

 

“I think we need to repeal the Free Tertiary Education Act or the Free College Tuition Law. Studies have shown that it has not been inclusive, that actually, those enrolling in state institutions are from middle class and upper-middle class,” ayon kay Chikiamco.

 

 

“I think a better system would be to give scholarships to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Ara Romero)

Other News
  • Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas

    INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas.     Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa.     Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa.     Gumagamit kasi […]

  • North Korea muling nagpakawala ng ‘ballistic missile’ – Japan gov’t

    ITO ANG iniulat ng Japanes government nitong Linggo.     Batay sa report ng Japan Coast Guard (JCG) ang nasabing unidentified projectile ay posibleng bumagsak na sa ngayon.     Ayon naman sa South Korean military ang nasabing projectile ay pinakawala sa eastward driection.     Kung ang nasabing projectile ay isang missile, ito na […]

  • KIM, JERALD at CANDY, nag-share ng kanilang experiences tungkol sa mahahabang gabi; riot ang muli nilang pagsasama sa movie

    SA digital media conference ng Sa Haba Ng Gabi na streaming na sa October 29 sa Vivamax, natanong ang mga bida sina Candy Pangilinan, Jerald Napoles at Kim Molina tungkol sa hardest and longest night na na-experience nila.     Dahil pareho ang sagot ng magdyowang Kim at Jerald, ang aktres na lang ang nagbigay […]