FIBA World Cup mascot ipinakilala na
- Published on August 2, 2022
- by @peoplesbalita
PORMAL nang ipinakilala ang official mascot ng prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.
Pinangalanan ang mascot ng JIP na initials ng Japan, Indonesia at Pilipinas — ang tatlong host countries ng world meet.
Napili ang pangalang JIP mula sa mahigit 100,000 na sumali sa pa-contest ng FIBA noong nakaraang linggo para pangalanan ang official mascot.
“The name JIP is a perfect match for this beautifully designed mascot as it incorporates and unites all three host nations,” ani FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker.
Pinangunahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapakilala sa World Cup mascot.
Ginanap ang official announcement sa Pilipinas kasabay sa Japan at Indonesia.
Ayon kay SBP president Al S. Panlilio, ang mascot na si JIP ay nagsisimbolo ng magandang samahan ng tatlong bansa para kapit-kamay na maitaguyod ng matagumpay ang World Cup.
May kuwento kung paano nabuo si JIP.
Istorya ito ng ng tatlong fans na nagkakilala online na sina Caloy na mula sa Pilipinas, Kota mula sa Japan at Dewi mula sa Indonesia para mabuo ang basketball robot.
Pagkakaisa ang simbolo ng robot na kailangan na kailangan hindi lamang sa Japan, Indonesia at Pilipinas maging sa buong mundo na dumaranas ng pandemya sa kasalukuyan.
-
Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE
AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio? Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot. Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions […]
-
SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes
Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits. “Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang. […]
-
DFA, nag-abiso ng pagkaantala sa pagpapalabas ng passport
NAG-ABISO ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng passports. “This is due to the maintenance work that is being conducted by its service provider, APO Production Unit, Inc. (APO),” ayon sa DFA. “The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that recent passport applications […]