SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits.
“Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang.
Sa ilalim ng planong three-strike policy, ang mga hindi sumusunod na mga motorista ay bibigyan ng paalala para sa kanilang unang paglabag, babala naman sa ikalawang paglabag at paghuli na may kasamang multa sa ikatlong pagkakataon.
Ang pagkakaron ng patuloy na pagsisikip ng trapiko ay lagi na lamang nangyayari sa mga major toll plazas tulad ng Calamba kung saan ang mga motorista ay nagbabayad ng cash na dapat sana ay para sa mga gumagamit ng RFID.
“There has also been a significant number of cases where RFID motorists with no load or insufficient load balance repeatedly use the electronic payment collection lanes, holding up other motorists and causing traffic,” dagdag ni Ang.
Sa pamamagitan ng three-strike policy, ang pamahalaan ay umaasa na mawawala ang pagkabalam sa mga toll lanes at maiiwasan ang mga reklamo ng mga motoristang mayrong RFID tags at load credits.
Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) at TRB ng implementing rules at regulations ng nasabing policy sa madaling panahon.
Ayon naman kay alternate TRB chairman Garry de Guzman, ang nasabing policy ay naglalayon na itanim sa mga motorista ang disiplina na maglagay muna ng load bago pa sila pumasok sa mga RFID lanes upang maiwasan ang pagkaantala at kaabalahan sa mga motoristang sumusunod na gumagamit ng RFID.
“Since there are already a lot of RFID users, sad to say, there are also who are abusive. They enter RFID lanes without load. You will be surprised that based on the statistics given by the operators, there are those who enter 50 times without load,” saad ni de Guzman.
Kung kaya’t upang maresolba ang nasabing problema, ang TRB board ay sumangayon na gumawa ng three-strike policy.
Pinahayag din ng TRB na ang transition period bago ang 100 percent cashless transaction ay magpapatuloy hanggang walang further notice ang pamahalaan na dapat sana ay may deadline noong nakaraang Jan. 11.
Sa ngayon, ang pagbabayad ng cash ay tinatangap pa rin sa mga toll plazas kahit wala pa silang RFID tags. Ang paglalagay ng RFID tags ay tuloy-tuloy pa rin sa mga madaming lokasyon na binigay ng mga toll operators. (LASACMAR)
-
UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82
Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic. Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo. Gayunman, wala raw munang gagawaran ng […]
-
Maynila lugmok sa utang!
MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa. “Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng […]
-
11 Gilas members para sa FIBA Asia Qualifiers ipinakilala na
INANUNSIYO na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 11-player roster na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers. Itinalagang team captain ng national basketball team si Gilas Pilipinas veteran Keifer Ravena. Si Ravena kasi ang itinuturing na mas maraming karanasan na naglaro noong 2019 World […]