• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, ipinalabas ang mahigit sa ₱8 bilyong cash allocation para sa rice farmers’ subsidy

IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga  eligible na rice farmers.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas ng  Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng ₱8,053,474,140 sa Department of Agriculture (DA).

 

 

“This will fund the distribution of the ₱5,000 subsidy for more than 1.5 million rice farmers affected by the impact of the Rice Tariffication Law on the third and fourth quarter of 2022,” ayon sa DBM.

 

 

Alinsunod din ito sa implementasyon ng  ₱3 billion Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) program na nagbibigay ng financial support sa mga small-time rice farmers.

 

 

“Our farmers deserve our help and care. The immediate release of cash assistance could provide relief to our rice farmers given the recent natural calamities they experienced,” ayon kay Pangandaman.

 

 

Ang unconditional cash aid ay maaari ring makatulong sa mga rice farmers sa pagbili ng rice inputs gaya ng fertilizer at farm machinery.

 

 

Sakop din ng  NCA ang “service fee” kabilang na ang halaga ng card generation, Rice Competitive Enhancement Fund-RFFA sa ilalim ng Development Bank of the Philippines. (Daris Jose)

Other News
  • Baldwin tiwala sa Gilas squad

    Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban.     Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro.     Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod […]

  • CHR, suportado ang electronic filing ng civil cases

    SUPORTADO ng Commission on Human Rights (CHR) ang inisyatiba ng Korte Suprema sa transisyon ng electronic filing para civil cases sa trial courts.     “Digitalization streamlines court proceedings and reduces the physical and financial burdens associated with traditional filing methods,” ayon sa komisyon.     Nauna rito, sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na […]

  • Ads June 11, 2021