Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.
Maliban sa mga tablet na para sa Special Education learners, nagbigay din si Tiangco ng 500 tablets para sa mga estudyanteng Grade 1 hanggang 12 sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng pondo ng Navotas City Council for the Protection of Children.
Bahagi aniya ito ng mga hakbang upang maging mas inklusibo ang sistema ng edukasyon sa lungsod at bilang tulong sa kahandaan ng mga mag-aaral na Navoteño sa susunod na pasukan.
Hinimok ni Mayor John Rey ang mga estudyante na patuloy na magsikap sa kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Siniguro rin niya ang patuloy na pagsulong sa mga proyektong magpapataas pa sa kalidad ng edukasyon sa Navotas.
“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” pahayag ni Mayor Tiangco sa kanyang speech sa ginanap na simpleng turnover at distribution ceremony. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan. Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na […]
-
19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area
NASA 19 sasakyan na nakahimpil sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog bunsod sa hinihinalang nagliyab na talahiban dahil sa tindi ng init ng panahon, Lunes ng hapon. Sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, umabot sa 19 ang inisyal […]
-
GOBYERNO NG PINAS, HIHIRAM NG $300 MILLION PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID -19
HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap at dedma sa Class ABC. “[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that […]