Inamin din na first time na bumili ng Lotto ticket… SHARON, okey na kaya nakapag-dinner at nakanood na sa sinehan
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
TAMANG-TAMA lamang ang pagbalik ni Kylie Padilla from her movie shoot of “Unravel” in Switzerland, dahil naka-attend siya ng “GMA Thanksgiving Gala” para sa 72nd Anniversary ng network.
Livestream sa mga social media accounts ng network, inabangan ng mga netizens ang suot ng mga Kapuso stars, Sparkle stars at guests.
Kaya isa nga sa umagaw ng pansin ng mga netizens ang black gown na suot ni Kylie with matching black veil na parang fishnet. Kung may pumuri sa outfit ni Kylie na super ganda at kakaiba, may nagbiro naman na super unique daw ito na bagong face shield para iwas-dengue.
Pero nagpasalamat pa rin si Kylie kay Francis Libiran at sa Estee Lauder PH for her outfits.
Sa pagbalik ni Kylie, back to work na rin sila nina Rayver Cruz at Jak Roberto sa first sports-serye ng GMA-7 na “Bolera.”
“Salamat po sa gabi-gabing pagti-trending ninyo sa aming serye, at sana huwag ninyong i-miss ang aming susunod na episodes, dahil nalalapit na ang finale namin.”
Ang isang aabangan talaga ay ang muling paglaban ng billiards ni Joni, magtagumpay kaya siya o matulad din siya sa namatay niyang ama na dinaya sa laro? Si Cobrador pa rin ba ang sisira na maging champion siya?
Ang “Bolera” ay napapanood 8:50PM after “Lolong” sa GMA-7.
***
TODAY, August 3, ang opening ng pinag-uusapang “Maid in Malacanang” ni Director Darryl Yap na produced ng Viva Films.
Last July 29 ay ginanap ang kanilang premiere night sa SM North EDSA, The Block. Nagtipid ang production na wala silang catering service after the red-carpet premiere, dahil nagdesisyon sila at si Senator Imee Marcos na i-donate na lamang ang gagastusin nila sa catering plus, kasama ang donation mula sa cast, para sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Abra at Ilocos.
Bago kasi ang premiere night, naglibot si Sen. Imee sa Ilocos at nakita niya ang pinsalang inabot ng mga kababayan nila sa lindol.
Ang “Maid in Malacanang” ay mapapanood na nationwide in 200 theaters. Sunud-sunod na rin ang block screenings worldwide sponsored by our OFWs residing sa iba’t ibang bansa.
Ganoon din dito sa Pilipinas, may mga block screenings din na usually ang mga kinita ay ipinag-i-sponsor naman nila sa mga projects nila para sa mga nangangailangan.
***
SALAMAT at sa latest Instagram post, nag-update na si Megastar Sharon Cuneta, na she’s now okey, pagkatapos magkasakit after ng almost one month na nag-perform sila ni Regine Velasquez sa “Iconic: US Concert Tour.”
Dahil halos hindi raw siya makabangon sa kanyang nararamdaman, napilitang iwanan na siya ni Regine na naunang bumalik ng Pilipinas.
Nang makaramdam na siya na bumubuti na ang lagay niya, nagpasya na siyang lumabas ng bahay, kasama ang kanyang team at kumain sila sa restaurant at nanood ng sine.
“The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched “Top Gun Maverick” in the theater!
“I was missing Nana (Regine) the whole time because we had planned on doing these two things together but she had flown home na the night before. Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice.
“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers,” dagdag pa ni Sharon.
(NORA V. CALDERON)
-
MAHIGIT 430 NA OPISYAL NG BI SA NAIA, BINALASA
MAHIGIT 430 na mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay binalasa at binigyan ng bagong terminal assignment bilang bahagi ng ahensya na maiwasan ang korapsiyon ng kanilang tauhan. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa kabuuang 356 na kanilang frontline immigration offices na kasalukuyang […]
-
Kinuwestiyon ang katapatan ni Lacson sa gitna ng Senate probe
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na nakagawa ng bribery at falsification of documents kasabay ng pagkastigo niya sa komisyon dahil sa pagpapalathala at pagsasapubliko ng paggasta ng mga ahensiya ng pamahalaan. Kinuwestiyon ng Pangulo ang nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa P67-billion deficient spending ng Department of Health […]
-
Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE
Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia. Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers. Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban. […]