5k healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho, simula na sa Enero 1, 2021
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magsimula sa Enero 1, 2021 ang bagong polisiya ng pamahalaan na pinapayagan ang 5,000 healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho kada taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aralan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng COVID-19 task force ang nasabing usapin.
“Ipinairal ang balancing of interests kung saan tiningnan ang pangangailangan sa bansa ng nurses, nursing assistants, nursing aides habang ikinunsidera rin ang pagkilala ng talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at demand sa ating mga kababayan sa ibayong dagat,” ayon kay Sec. Roque.
Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng mga opisyal ng pamahalaan na alisin ang temporary suspension ng overseas deployment ng mga nurses at iba pang health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ani Sec. Roque, ang pagbawi sa deployment ban ay alinsunod sa polisiya ng pamahalaan na “promoting full employment, rising standard of living, and improving the quality of life for all.”
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 5,000 na bilang ng mga health workers ay maaaring madagdagan kapag naging mas maayos pa ang sitwasyon ng bansa laban sa COVID-19.
“Nagkaroon naman po ng kasiguraduhan ang DOH [Department of Health] na sapat po ang ating mga health professionals dito sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque.
Nauna rito, kinumpirma Department of Labor and Employment (DOLE) na binawi na ni Pangulong Duterte ang “deployment ban” sa mga nurses at iba pang health workers sa ibayong dagat,
Ayon kay Sec. Roque, ang lifting ng ban ay “effective immediately” kaya’t maaari nang makaalis ang libong nurses at medical workers na nag-aasam na makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, nilinaw ng Kalihim na 5,000 health workers lang ang pinapayagang ma-deploy sa ibang bansa kada taon upang matiyak na ang Pilipinas ay may sapat pang medical professionals lalo na ngayong ang bansa ay pangalawa sa may pinakamataas na bilang COVID-19 cases sa Southeast Asia.
Sa nakaraang desisyon, pinayagan lamang ni Duterte ang health professionals na may kumpleto nang employment documents at visa hanggang Agosto 31 na makaalis ng bansa. (Daris Jose)
-
Nag-celebrate na sila ng second wedding anniversary: SARAH, kitang-kita na sobrang happy at wini-wish na magka-baby na sila ni MATTEO
NAG-CELEBRATE na last Sunday, February 20 ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang second wedding anniversary. Minarkahan ng 31-year-old hunk actor ang isa pang milestone nila bilang mag-asawa ng tinaguriang Popstar Royalty sa pamamagitan ng nakakakilig na series of photos sa kanyang IG post. Ikinasal noong February 20, 2020 […]
-
Fonacier babalik sa NLEX
IBINUNYAG ni Joseller ‘Yeng’ Guiao, na puntiryang magbalik sa laro sa North Luzon Expressway ni Larry Alexander Fonacier. Sa pagkaandap sa Cooronavirus Disease 2019 sa nakalipas na taon, hindi lumaro ang 38-anyos, 6-2 ang taas na veteran guard-forward sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa Clark Freeport bubble sa Angeles, Pampanga. […]
-
102% ng target population sa NCR, nakakuha na ng first dose ng Covid vax
SINABI ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 102.86% na ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Covid-19 vaccine. Sinabi ni Galvez, tumatayong chief implementer ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na may mahigit na 8.8 milyong indibiduwal o 90.75% ng […]