• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mula sa luggage hanggang restrooms: DOTr chief Bautista, isiniwalat ang mga problema sa NAIA

TINAPIK at binigyan ng listahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Manila International Airport Authority (MIAA)  hinggil sa  masasabing overall passenger experience sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Isa na ayon kay Bautista ang  “delayed release” ng mga luggages.

 

 

Tinukoy nito ang nangyaring insidente sa Terminal 2 kamakailan matapos makatanggap ng  text messages  na inirereklamo ang terminal dahil  overcrowded na sa mga  byahero na naghihintay ng kanilang mga bagahe sa  conveyor belt.

 

 

“Pumunta ako sa arrival and I saw many people complaining kasi medyo mabagal iyong paglabas ng bagahe kasi nagkasabay-sabay iyong flights… Sabi ko sa service providers kahit hindi n’yo trabaho iyon, tumulong na kayo sa baggage handling para bumilis ang paglabas ng bagahe,” anito

 

 

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Philippine Airlines sa usaping ito.

 

 

Samantala, sa kabila ng malinis ang mga  comfort rooms ng airports, binigyang diin ni Bautista na kulang naman sa  amenities ito.

 

 

Patunay dito ay nang bisitahin ni Bautista ang Terminal 2, ang Pasay at Parañaque City, ay nakaranas  ng 24-hour water service interruption dahil sa  emergency leak repair sa Roxas Boulevard at Opena Street sa Pasay.

 

 

May isang  video ng berdeng tubig na lumalabas sa gripo ng  NAIA T2  ang nag-viral sa Twitter.

 

 

“During that time walang tubig ang buong Pasay City so ang ginagawa ng NAIA, nag-iigib sila,”ayon kay  Bautista.

 

 

Dahil dito, isasailalim ang NAIA sa assessment ng  transport security ngayong buwan.

 

 

“I talked to the passengers. Talagang they don’t want the screening procedures being implemented at the airport but because it is in compliance with the requirements of TSA in the US, iyong screening doble-doble talaga. Sabi ko sa security ng airport, let’s do something about it.” aniya pa rin.

 

 

Bukod sa mga nasabing  concerns, inilatag rin ni Bautista ang “inadequate lighting, unreliable free internet connection, and tight space for flights and passengers.” (Daris Jose)

Other News
  • ‘James Bond’ Producer Says Next 007 Actor Decision Will Take Time

    BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time.     Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, […]

  • Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

    SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.   Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]

  • Pacquiao balik-ensayo para sa exhibition match

    BALIK-ENSAYO na si eight-division world champion Manny Pacquiao para paghandaan ang exhibition match nito kay Korean YouTuber DK Yoo na idaraos sa Disyembre 10 sa South Korea.     Bagama’t isang exhibition match lamang ito, nais pa rin ni Pacquiao na buhusan ng oras ang paghanda para dito dahil hindi biro sumalang sa isang boxing […]