Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, inanunsiyo nito na magsasagawa ng tradisyunal na “Simbang Gabi” sa Kartilya ng Katipunan sa tulong ng pamunuan ng Quiapo Church.
Napag-alaman naman kay Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo, dakong- alas-8 ng gabi gaganapin ang “anticipated” Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan na sisimulan sa Disyembre 15 kung saan dadaluhan ito ng mga kawani at opisyal ng mga departamento ng lokal na pamahalaang lungsod.
Ayon pa kay Duñgo, nakatakda umano silang mag- organisa ng “coffee festival” na may temang “Kape’t Luntian” sa Bonifacio Shrine Garden sa pakikipagtulungan sa Sagada Coffee.
“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)
-
Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns
TULUYANG naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110. Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season. Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin […]
-
PBBM, nagtalaga na ng bagong Director General ng PIA
OPISYAL nang nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Director General ng Philippine Information Agency (PIA). Sa inilabas na mga bagong appointee Ng Presidential Communications Office (PCO) kasama si Jose Torres Jr sa mga newly appointed officials na kung saan, siya ay itatalaga sa PIA bilang Dir Gen. Si Torres […]
-
Claro, 60 na iba pa pasiklab sa 1st WNBL Draft Combine
MAY 61 aspirante, sa pamumuno ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player Camille Claro ng De La Salle University Lady Archers, ang mga nagladlad ng gilas sa unang araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 maghapon nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City. […]