P154 B railway project bukas sa PPP
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP).
“The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue their plans,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez.
Ayon kay Chavez wala pa naman approval ang National Economic and Development Authority (NEDA) para sa nasabing 2 proyekto sa rail.
“These projects are unsolicited proposals so we have two PPPs already. Of course, we have so many in the pipeline,” dagdag ni Chavez
Ang proyekto sa East-West railway ay nagkakahalaga ng P72.08 billion kung saan kasama dito ang financing, design, construction, operation at maintenance ng elevated railway na may habang 9.4 kilometro.
Ito ay magdudugtong sa Diliman, Quezon City papuntang Lerma sa Manila at magsisibling interconnecting facilities sa iba pang railways tulad ng MRT 3, LRT 2 at LRT1.
Ang proponents sa nasabing proyekto ay ang East-West Rail Corp at AlloyMTD na siya naman ipatutupad ng Philippine National Railways (PNR).
Habang ang MRT-11 ay nagkakahalaga naman ng P81.79 billion kung saan gagawin ang 18 kilometrong railway mula sa Balintawak, Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.
Ayon sa proposal, ang nasabing railway ay magkakaron ng passenger transfer facility malapit sa estasyon ng Balintawak ng LRT Line 1.
Ang proponents naman ng nasabing railway project ay ang Aerorail Integrated Transport Services Inc. at ang supervision ay sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Nakikitang ang railway project na ito ay makakatulong upang gumanda ang transport system sa northern Metro Manila tulad ng lugar sa Quezon City, Caloocan at Bulacan.
“The Marcos administration prefers that its infrastructure projects be funded by PPP to reduce borrowings in a bid to cut national debt,” saad ni Chavez. LASACMAR
-
MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco
MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco, mga kawani ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) at isang lalaki na naka-costume Spiderman ang isang malaking Albino Python na si “Cheesecake” bilang bahagi ng paggunita ng World Wildlife Day, kasabay ng Fire Prevention Month. Nagpaalala naman ang BFP na huwag kalimutan ang mga hayop tuwing […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students. Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance. Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at […]
-
Ravena balik na assistant coach sa Tropang Giga
IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr. bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9 Ito’y makaraang iupong muli ng Tropang Giga management si Vincent Reyes bilang coach ng flagship team ng MVP Group. […]