• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”

 

 

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.

 

 

“The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” sabi ng prelate ayon sa CBCP News..

 

 

Nag-react ang prelate sa trailer ng pelikula na naglalarawan sa yumaong pangulo na naglalaro ng mahjong kasama ang isang grupo ng mga madre.

 

 

Humingi ng kanlungan si Aquino  sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu noong 1986 Edsa People Power Revolution kung saan natulog ito ng magdamag.

 

 

Hinamon ng Obispo ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nasa ilalim ng Office upang kumilos sa isyu at gamitin ang mandato nito.

 

 

“Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” pagtatanong pa ni Bishop Alminaza. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap: JUANCHO, honored na nanalong best supporting actor sa TAG Awards

    MASAYANG nagbabakasyon si Kapuso actor Juancho Trivino with his wife Joyce Pring and their baby boy sa Tokyo, Japan last Christmas, nang matanggap niya ang magandang balita.      Nanalo siyang Best Supporting Actor for his stellar work as Padre Salvi in the historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” sa TAG Awards […]

  • SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal

    WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon.     Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated.  And forgive me if I cannot […]

  • Mahigit P21-M na halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon

    AABOT sa mahigit Php21-million na halaga ng tinamong pinsala ng sektor ng agrikultura sa naging pananalasa ng Bagyong Aghon sa Pilipinas.       Batay sa inilabas na monitoring update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo sa kabuuang Php21,651,548 ang halaga ng iniwang Agricultural damage ng naturang bagyo sa bansa.     […]