• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40th Anniversary ng ‘Himala’, ipagdiriwang sa Disyembre… Sen. IMEE, NORA at CHARO, reunited at pinarangalan sa ‘FAMAS Awards 2022’

REUNITED sina Senator Imee Marcos, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio na pawang pinarangalan sa FAMAS Awards 2022.

 

 

Naka-trabaho ni Sen. Imee sina Nora at Charo sa ‘Himala’ at ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng naturang pelikula, na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The Philippines (ECP).

 

 

Ang ‘Himala’ ay itinuturing na isa sa Greatest Asian Film of All Time.

 

 

Anyway, rumampa nga si Sen. Imee sa FAMAS Awards 2022 last July 30, na kung saan ginawaran siya ng ‘Exemplary Award In Public Service’ para sa kanyang kontribusyon sa restorasyon ng Metropolitan Theater.

 

 

Bilang patronesa at taga-pagpalaganap ng pop culture at sining, nagsimula si Senator Marcos sa kanyang paglalakbay bilang artista sa MET kung saan nagbida siya sa ilang stage productions noong Dekada ‘70.

 

 

Isa ito sa mapapanood sa pinaka-bagong YouTube vlog ni Senator Marcos na tiyak na kagigiliwan ng kanyang loyal supporters.

 

 

Masisilayan din ng kanyang mga tagahanga ang all-access pass sa star-studded premiere night ng ‘Maid In Malacañang’ na ginanap kamakailan sa The Block, SM City North EDSA sa Quezon City.

 

 

Siguradong mag-e-enjoy ang mga YouTubers sa exclusive footage ni Sen. Imee kasama sina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Diego Loyzaga, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Ella Cruz, Cristine Reyes, at madami pang iba.

 

 

Ayon pa sa hardworking na senadora, batas na ngayon ang Creative Industries Bill.

 

 

Maging bahagi ng kasiyahan at samahan si Senator Imee sa kanyang latest adventures at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

 

 

***

 

 

MULA sa pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines, isa na ngayong recording artist si Captain Peter o mas kilala bilang si Pitz Beriña, ang tinaguriang Singing Captain.

 

And for the first time, ipaparinig na rin ang kanyang awitin na may pamagat na “Kita Ay Mahal.” Mula ito sa malikhaing komposisyon at areglo ni Vehnee Saturno kaya naman ipinagmamalaki ito ni Beriña, na kung saan patungkol ang kanta sa wagas na pagmamahal.

 

May anim pang orihinal na kanta ang album at pitong cover songs na lahat ay Original Pilipino Music. Kasalukuyan ding naririnig na din sa mga paboritong radio stations ang ni-revive niyang kanta na “Muli,” na pinasikat ni Rodel Naval.

 

Nais ni Beriña na maging inspirasyon hindi lamang sa kanyang kapwa seafarers pero maging sa lahat na abutin lang ang kanilang mga pangarap, maski na anumang kulay, edad o estado pa man yan ng buhay.

 

Sa ngayon ay puspusan ang ginagawang pagpo-promote ni Beriña sa kanyang mga kanta. Nagbabalak din daw sya na pasukin ang pagkakaroon ng kanyang own media production at talent agency sa layon pa rin niyang makatulong sa iba na may mga natatagong talento sa pag-awit, pag-arte o pagsayaw.

 

Pangarap din niyang maging bahagi ang kanyang mga kanta sa iba’t ibang teleserye na ating napapanood dito sa atin.
Isa rin siyang businessman na may mabuting puso na handang tumulong sa mga nangangailangan. Malapit na rin niyang ilunsad ang isang institusyon para sa mga ito.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

    PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.   Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong […]

  • Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO

    PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.   Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya.   At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]

  • Ads May 14, 2021