• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ka-level na ang mga naglalakihang stars ng ‘Beautederm’… Social media star na si ZEINAB, opisyal nang brand ambassador

WINNER ang newest brand ambassador ng Beautéderm Corporation ng kung saan nagsimula na ang kanilang month-long 13th anniversary celebration.

 

Opisyal na ngang ni-launch noong Sabado, August 6, ang social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador ng Koreisu Family Toothpaste (na may whitening variant din) at Etré Clair (na may antibacterial mouth wash at mouth spray).

 

Bilang isang certified star na may humigit na 50 million na followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizens di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.

 

Bilang isang batang artista, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair.

 

Say niya, “Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating mag-sipilyo tatlong beses sa isang araw.”

 

Super-happy rin si Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm at ka-level na niya ang mga naglalakihang artista. “Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nung sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab.

 

“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dari. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko dito at pinoportektahan pa nito ang aking bibig in an instant.

 

“I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila.”

 

Super excited din ang Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan na makasama si Zeinab sa lumalaking pamilya nila.

 

“Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot naming ang mas bata at mas malakwak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms,” pahayag ni Ms. Rhea.
“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”

 

Si Zeinab naman ay ‘di na makapaghintay sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang Beautéderm family.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Koreisu Family Toothpaste at sa Etré Clair at pati na rin sa mga kapana-panabik na balita tungkol kay Zeinab Harake, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at @beautédermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

    BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.   Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos […]

  • Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19

    Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi.     Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung […]

  • ERC, inatasan ni PBBM na i-reset ang NGCP rates matapos bumagsak ang Panay grid

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.     Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP […]