• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

 

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos na ihinto ng humanitarian organization ang pagtanggap ng Covid-19 tests na chargeable sa state insurer.

 

Ang PRC ang responsable para sa isang milyong COVID-19 tests o 1/4 ng 3.8 milyong test ng bansa.

 

Sinabi ng organisasyon na hindi na sila tatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded- tests P930 milyon sa PRC.

 

“It’s a matter really of accounting and payment. Di ko lang po masigurado pero parang tumatawad din ata tayo ng kaunti doon sa sinisingil ng PRC na wala naman daw pong problema,” ayon kay Sec. Roque.

 

“May mga papeles naman na ginagawa but I can assure you that at least half of that will be paid at the soonest time possible,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Duterte kay Senador Richard Gordon na babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa Philippine Red Cross na aabot sa halos isang bilyong piso.

 

Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maghahanap ang gobyerno ng pera para mabayaran ang naturang utang.

 

Magugunitang itinigil ng Philippine Red Cross ang kanilang mass testing matapos umabot na hindi mabayaran ng Philhealth ang utang nito umabot na sa P930 million.

 

Balak naman ni Senador Gordon, na siyang tumatayong Chairman ng PRC, na imbestigahan ang Philhealth dahil sa hindi pagbabayad sa kanila sa kabila ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Red Cross at ng state health insurer. (Daris Jose)

Other News
  • KIM, naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya sa basher na nanglait kay JERALD

    SA ginanap na Zoom presscon kamakailan para sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na unang pagtatambalan ng real-life sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong namin ang dalawa na pag sobra-sobra na kabastusan ng bashers, wish ba nila na mawala na lang pakiramdam para ‘di na patulan?     “Yes, diretsa ang sagot ko,” […]

  • Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away

    SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’     May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward. […]

  • Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR

    INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.     Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines […]