PBBM, tinalakay ang pagtaas ng produksyon, pagbaba ng presyo sa agri group
- Published on August 9, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agriculture group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at tinalakay ang posibilidad na itaas ang produksyon ng local agricultural goods at ibaba ang presyo.
Nakipagkita si Pangulong Marcos sa SINAG sa idinaos na pang-apat na Cabinet meeting.
“Dapat mag-produce ng mas marami sa local natin and affordable price sa ating mga consumer,” ayon kay Rosendo So ng Sinag.
Idinagdag pa ang pagbaba ng presyo ng baboy at pinag-aaralan ang posibilidad ng pagpapalaki ng malalaking baboy.
“They previously used to sell 95-kilo hogs. But if they raise pigs that are at least 120 to 130 kilos, this will lead to an increase in local production and make pork prices more affordable,” ayon sa SINAG.
Sa nakalipas na mga araw, ang presyo ng manok ay umabot na sa P185, umaasa si Sinag na babalik na sa normal ang produksyon nito.
“They previously used to sell 95-kilo hogs. But if they raise pigs that are at least 120 to 130 kilos, this will lead to an increase in local production and make pork prices more affordable,” ayon kay Sinag.
“Ang bigas, eh so far naman, nag-stabilize ang presyo dahil ang miller nasa P33 per kilo, ang deliver nasa P35 so more or less P38 ang range ng retail price,” aniya pa rin.
Sinabi ni So na kailangan na dapat na may koordinasyon sa pagitan ng private sector at Department of Agriculture (DA) upang sa gayon ay maging malinaw kung anong produkto ang kinakailangan na iangkat.
“Yun ang malaking bagay na gagawin para at least eh pakinggan ‘yung local industry, kung ilan bang mapo-produce and ‘yung kulang lang ang ipasok,” ayon kay So. (Daris Jose)
-
3 drug suspects, laglag sa higit P.4M shabu sa Caloocan
KALABOSO ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes1, Brgy., 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga […]
-
Ads April 14, 2022
-
Contribution hike, sinimulan na ng SSS
SINIMULAN nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro upang matiyak ang financial viability ng ahensiya para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na […]