• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ni-reveal ang couple tattoo sa kanilang mga kamay: BIANCA, ‘di nakatiis sa pangungulila kay RURU kaya nagpunta rin ng Seoul

HINDI talaga matiis ng dalawang Kapuso actresses ang kanilang mga partners. Ang mga ‘Running Man PH; mates na sina Mikael Daez at Ruru Madrid.

 

 

 

Nauna na si Megan Young ilang Linggo lang ang nakalilipas nang surpresahin nito ang asawang si Mikael at ‘di na matiis ang halos isang buwan nilang pagkakahiwalay. Pero dahil hindi pa tapos ang taping ng GMA-7’s ‘Running Man PH’, umuwi muna ito ng Pilipinas.

 

 

 

At dahil nag-last taping day na sila sa South Korea, signal na ito para magpunta sina Megan at Bianca Umali.

 

 

 

Bumalik si Megan sa South Korea at sa Instagram post ni Mikael, “Bonez and Fofo are back in action!!! As Running Man taping ends today, Boneezy flew over to Seoul once again so we can go our own samgyupsal adventures.”

 

 

 

Obviously, hindi na rin natiis ni Bianca ang tila pangungulila sa boyfriend. Kaya bago bumalik ng Pilipinas si Ruru, pinuntahan na rin ito ni Bianca sa Seoul at sa mga Instagram feeds nga nila, makikita ang sweetness ng dalawa.

 

 

 

Dito rin nila ni-reveal ang kanilang couple tattoo sa kanilang mga kamay.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSISIMULA ng maramdaman ang bagong network, ang AMBS (Advanced Media Broadcasting System), ang pagmamay-ari ni dating Senator Manny Villar.

 

 

 

Ang popular na FM Radio station na K-Lite 103.5 since 1995 ang magiging flagship radio station ng AMBS and it will go live in its new home studio at Level 2 of Starmall Shaw Boulevard.

 

 

 

Kilala ang K-Lite 103.5 sa mga genre of rhythmic contemporary music hits from the 90’s up to present.

 

 

 

Ayon sa Chairman Manny ng Villar Group, “This marks the beginning of our venture into the entertainment business. We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to beable to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time.”

 

 

 

Bukod sa mae-enjoy pa rin ng mga listeners ng OG funk ng 90’s vibe hanggang sa recent hits via 103.5FM on the radio at may live stream on Channel 3 of Planet Cable TV in parts of Mega Manila and Region 4 ng CALABARZON subscribers, followers around the world can stream via the webside klite103.5.com.ph or by downloading the Twitch app.

 

 

 

Maririnig din ang mga boses ng mga in-house disc jocks na sina DJ Jaybee at DJ Aly Esplana na isang newbie radio talent at certified streamer/gamer.

 

 

 

At siyempre, marami pang new surprises at bagong mapapakinggan at mai-stream sa flagship radio station ng AMBS.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Maraming pinagdaanan, at masuwerteng nakuha ang korona: MICHELLE, nagdalawang-isip pa sa muling pagsali sa ‘Miss Universe Philippines’

    NAGING challenge sa newly-crowned Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang naging preparation niya para sa pageant dahil marami raw nangyari sa buhay niya emotionally and physically.   “Approaching the competition, I was running on 1-2 hours of sleep every day. Miss Universe is the most bardagulan pageant, in my opinion.   “You have to […]

  • PAGAWAAN NG PEKENG TRAVEL. SWAB TEST RESULT NABUKING

    NABISTO ang isang pagawaan ng pekeng mga dokumento gaya ng IATF ID,quarantine pass, travel authority pass,medical certificate ,swab test at rapid test results mula sa Manila Health Department (MHD) sa isinagawang pagsalakay,kahapon ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila.   Kinilala ni PLt.Col John Guiagui,station commander ng Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si Marilyn Balagtas, […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 25) Story by Geraldine Monzon

    TINAWAGAN  ni Janine si Andrea upang kausapin ito subalit narinig niya ang mga paghikbi nito mula sa kabilang linya.   “Andrea, umiiyak ka na naman ba?”   “S-Sorry Janine…ba’t ka nga pala napatawag?”   “Lagi naman ako tumatawag sa’yo ng ganitong oras diba? Sabihin mo nga sa’kin, ano bang iniiyak mo?”   “Wala to…si Sir […]