• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGAWAAN NG PEKENG TRAVEL. SWAB TEST RESULT NABUKING

NABISTO ang isang pagawaan ng pekeng mga dokumento gaya ng IATF ID,quarantine pass, travel authority pass,medical certificate ,swab test at rapid test results mula sa Manila Health Department (MHD) sa isinagawang pagsalakay,kahapon ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila.

 

Kinilala ni PLt.Col John Guiagui,station commander ng Manila Police District-Police Station 3 ang suspek na si

Marilyn Balagtas, 40, na siya umanong nagpapatakbo ng pagawaan ng pekeng dokumento na matagpuan sa panulukan ng Sulu at Remigip Sts. sa Sta.Cruz,Maynila.

 

Sinalakay umano ang lugar dakong alas 5-ng umaga matapos ang entrapment operation kung saan nasamsam ang mga

computer, printers, at iba’t ibang klaseng mga dokumento na iniimprenta ng suspek.

 

Sinabi ni Guiagui, natunton nila ang lugar matapos silang may masita ang isang lalaki na may bitbit na pekeng travel authority mula umano sa kanilang istasyon.

 

Dito na itinuro ng lalaki na di na pinangalan kung saan siya nagpagawa ng pekeng dokumento na binayaran umano niya ng P300.

 

Nalaman na ang pagawaan ng.mga pekeng dokumento ay dinarayo pa ng mga nagpapagawa.mula sa iba’t ibang lugar.

 

Kaugnay nito,sinabi ni Balagtas na pinapa-scan lang sa kanya ng mga customer ang mga dokumento at taga-imprenta lang siya.

 

Sinampahan naman ng kasong falsification and use of falsified document si Balagtas sa Manila Prosecutors Office. (GENE ADSUARA)

 

Other News
  • ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye

    SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram.   Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion.   […]

  • Mga private school teachers kailangan din ng salary increase tulad ng public school teachers

    TINULIGSA ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Education sa pagtanggi nito sa hinihinging salary increase ng mga guro mula sa public at private sectors.     Ayon sa mambabatas, dismayado at nababahala siya sa pahayag ng DepEd na hindi prayoridad ang upgrading o dagdag sahod ng mga guro […]

  • NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

    PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.     Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.     According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]