• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’

MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

 

Finally, magkaka-baby na sila!

 

Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis naman naka-tuxedo in a beautiful setting.

 

Dahil sa pagbubuntis ni Jessy, maiisantabi muna ang plano raw sana nila kasing church wedding ngayong taon. Pero it’s a welcome and happy change dahil matagal na nilang hinihintay ang magkaroon ng anak.

 

Sa Instagram post ni Jessy, hindi matatawaran ang kaligayahan ni Jessy sa post pa lang niya.

 

Bahagi ng caption ni, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

 

“No matter what your plans are, He has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

 

“We decided to share this wonderful news with you through a video shot in one of God’s houses – a beautiful chapel in Benguet.

 

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the beat surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible.”

 

***

 

SA kabila ng napakaraming magagandang comments ng mga netizens at viewers bukod sa consistent high ratings ng GMA Telebabad na “Lolong,” ‘di siguro mawawala ‘yung meron pa rin na namba-bash.

 

Pero para sa bida nito, ang kasalukuyan pa rin nag-e-enjoy sa South Korea na si Ruru Madrid kasama ang girlfriend na si Bianca Umali, obvious na overwhelmed lang siya sa tagumpay na tinatamasa ng serye ngayon.

 

“Ako naman po, nakita niyo naman ako nagsisimula pa lang. Ako po ‘yung sobrang taas ng pangarap ko sa buhay at ito lang po ‘yung sobrang matagal ko nang hinihintay.

 

“Noong binigay po sa akin ang proyektong ito, I’m just very thankful whatever happens. Maging successful man ‘yan or what, kasi alam ko po sa sarili ko na binuhos ko ang lahat ng makakaya ko para po rito sa programang ito.

 

“Pangalawa, ‘yung samahan na nabuo po namin dito while doing the project, hindi po matatawaran. Habambuhay na po ‘yon and ‘yung mga natutunan ko po sa project na ‘to, sa nga veteran actors na nakasama ko at mga baguhan, ‘yun po ang hindi ko makakalimutan.”

 

Sabi pa ni Ruru, mula raw nang maging artista siya, nagkaroon siya ng bagong goal sa buhay at ito ay makapagbigay ng inspirasyon.

 

Gusto rin daw niyang maka-inspire sa iba. Kaya grateful daw siya na through Lolong din, nabibigyan din niya ng inspiration ang mga manonood.

 

“Actually, ‘yung mga natatanggap po naming mga komento, sobrang nakatataba po ng puso.”
Sa isang banda, nasa ikalawang yugto na ang “Lolong” at may mga bagong cast din na makakasama at mapapanood.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads May 27, 2021

  • DOTr: Malalaking rail projects magkakaron ng partial operations bago matapos ang Duterte Administration

    Pinahayag ng mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) na maraming malalaking proyekto ang matatapos o di kaya ay magkakaron ng partial na operasyon bago matapos ang termino ni President Duterte sa 2022.     Ang mga nasabing proyekto ay ang LRT 2 East (Masinag) Extension, MRT 3 Rehabilitation, Common Station, LRT 1 Cavite Extension, […]

  • P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023

    ISASAMA  sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023  ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects.     Sa isang  press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong […]