‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin
- Published on August 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.
Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan na maimbestigahan ng Senado ang naturang isyu upang makatulong sa paglikha ng batas at para alamin kung bakit natagalan ang pagbili ng mga laptop gayong dapat napabilis ang proseso sa ilalim ng Bayanihan II.
Tinukoy ni Cayetano ang Commission on Audit (COA) report noong July 29, 2022 kung saan ipinunto ng ahensya ang pagiging overpriced ng mga laptop na binili ng Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) kumpara sa unit specifications ng mga ito.
Binili ang mga laptop gamit ang P4-bilyon pondo na itinalaga para sa implementasyon ng Digital Education, Information Technology (IT) at Digital Infrastructures and Alternative Learning Modalities bilang bahagi ng Bayanihan to Recover As One o Bayanihan II Act.
Inaprubahan ang panukala noong September 11, 2020, sa panahon ni Cayetano bilang House Speaker, upang tulungan ang mga guro na makaangkop sa hybrid learning at makapagturo sa mga mag-aaral online.
Gayunpaman, nagkaroon ng siyam na buwang pagitan mula sa pag-apruba ng budget at sa mismong pagbili ng mga laptop. Naigawad ang kontratang nagkakahalaga ng P2.4 billion para sa pagbili ng mga laptop noong June 30, 2021, samantalang nasimulan na lamang ang pagbibigay ng laptop sa mga guro noong August 2021, ayon sa DepEd.
Iminungkahi rin ni Cayetano na usisain ng Senado ang “evident discrepancy” o malaking diperensya sa pagitan ng P4-billion pondo at P2.4 bilyon na presyo ng kontrata sa umano’y overpriced at malumang mga laptop na ipinamahagi sa mga guro.
Una nang naghain ng Senate Resolution 120 si Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaatasan ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa public school teachers. (Daris Jose)
-
Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’
UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa International Basketball Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria. Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]
-
DAPAT BA IPATUPAD na ang “THREE STRIKE POLICY” sa mga TOLLGATES sa mga “INSUFICIENT BALANCE”
Nag-anunsyo na ang Toll Regulatory Board na simula May 15, 2021, ay ipapataw na nila ang kaparusahan sa mga motoristang dadaan ng tollway na may “insufficient balance” sa kanilang RFID card. 1st strike ay ire-record ng LTO deputized enforcer ang violation sa data-based at mag-i-issue ng TRB prescribed document proof of violation. 2nd strike ay […]
-
Kumalat na tatakbong congressman o councilor: ARNOLD, nagpasaring sa mga kandidatong walang plano pero gustong manalo
MONTHS before the filing ng COC para sa mga lakahok sa midterm elections ay isa sa lumutang na pangalang tatakbo raw sa District One ng Tondo ay ang kapusong newscaster na si Arnold Clavio. Lehitimong taga-Tondo si Arnold, kung si Isko ‘Yorme’ Moreno ay ipinagmamalaki ng mga taga-Tondo High School alumni ay very proud […]