• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’

UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball  team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna  bilang preparasyon sa International Basketball  Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

 

Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa at Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng San Miguel Beer, at incoming rookies Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco.

 

 

Sasamahan sila ng mga reserbang sina Rain or Shine newcomer Leonard Santillan ng Rain at  pro league journeyman Karl Dehesa.

 

 

“All the players and coaches, led by 3×3 program director Ronald Magsanoc, have started the protocol necessary to enter the training bubble and they will start their practices next week,” bigkas nitong Miyerkoles ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc.  (SBPI) president Alfredo Panlilio.

 

 

Pinapurihan at pinasalamatan din ng opisyal  si PBA Commissioner Wilfrido Marcial, ang Board of Governors ng liga at limang team ng mga player sa pagtulong sa pambansang koponan.

 

 

Kabangga ng Nationals ang Qatar at Slovenia  sa May 26o, at ang Dominican Republic at France sa Mayo 28.

 

 

Kumpiyansa ang SBPI at PBA  si Panlilio na makakarating ang PH squad ng top 3 upang makapaglaro sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng Covid-19 sa  Hulyo 23-Agosto 8. (REC)

Other News
  • 2 huli sa cara y cruz, shabu ang taya

    DALAWANG binata ang arestado matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police habang nagsusugal ng cara y cruz at shabu umano ang taya sa Navotas City.   Kinilala ni Navotas Maritime Police Station (MARPSTA) Ma- jor Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Sherwin Tiu, 27, Stevedore at Ariel Corona, 18, stevedore, kapwa ng […]

  • NPD NAGDAGDAG NG 100 PULIS SA MALABON

    Dahil sa u-sunod na pagpatay sa Malabon city na ang pinakahuli ay isang punong barangay ng Hulong Duhat, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director Police Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz bilang karagdagan sa may 400 dating kapulisan sa lungsod.   Dakong alas-3:50 ng Martes ng hapon, January 11, nang pagbabarilin sa […]

  • Naghatid si Kianna Dy sa ikatlong sunod na panalo ng F2 Logistics

    Walang iniwang hamon na hindi sinagot si Kianna Dy nang ibigay ng F2 Logistics ang Creamline sa unang pagkatalo nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Martes, Nob. 8, sa Smart Araneta Coliseum.   Ang 5-foot-10 Dy ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa 10 pag-atake, anim na block at dalawang ace […]