• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI naglabas ng revised SRP sa mga school supplies

INILABAS  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ni-revise niya ang “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang lumang listahan.

 

 

Ang listahan ay may mga tatak at mga detalye na.

 

 

Para sa mga notebook, kasama sa bagong gabay ang laki, number of leaves, kalidad ng papel, brand name, at kahit na mayroon silang generic o character na disenyo.

 

 

Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga magulang at mag-aaral na ihambing ang mga presyo sa mga tindahan.

 

 

Ngunit para sa Philippine Stationers Association, hindi na kailangang maglabas ng SRP sa mga school supplies, sabi ng pangulo nito na si Charles Sy.

 

 

Dagdag pa niya, sa pangkalahatan ay mababa ang presyo ng mga gamit sa paaralan.

 

 

Mahirap ding magtakda aniya ng presyo dahil may mga ordinaryong brand at premium ang ilang items.

Other News
  • 2 HOLDAPER, TIMBOG SA MPD

    BINITBIT ng Manila Police ang dalawang hinihinalang holdaper nang maaresto matapos na nambiktima sa isang service crew ng Mang Inasal sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon.     Kasong Robbery (Hold-up) sa ilalim ng Art. 293 of the RPC, R.A. 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions Law) at llegal Possession of Deadly Weapon ang isinampa […]

  • KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan

    MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit.     May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. […]

  • ‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman

    TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu.   Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM).   Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 […]