Tropang Giga paghahandaan ang makakalaban sa Finals
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKAIBA ang estilo ng San Miguel at Meralco na inaasahang magpapasakit ng ulo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga pagdating sa best-of-seven championship series ng 2022 PBA Philippine Cup.
Isa sa Beermen at Bolts ang lalabanan ng Tropang Giga para sa korona.
“We all know the problem San Miguel presents with June Mar (Fajardo), with their size and their overall talent,” wika ni TNT coach Chot Reyes. “Meralco presents a different kind of problem with their scrappiness and the way they play defense.”
Sinibak ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 87-74, sa Game Six ng best-of-seven semifinals showdown papasok sa kanilang ikatlong sunod na All-Filipino Cup Finals.
Itinabla naman ng Bolts sa 3-3 ang kanilang serye ng Beermen para makapuwersa ng ‘winner-take-all’ Game Seven bukas.
“I think the fact that it’s 3-3 shows how even it is. Whoever it is, we’re really going to be tested,” sabi ng nine-time PBA champion coach.
Magkakaroon ang PLDT franchise ng five-day break bago sumalang sa PBA Finals.
Nasa kanyang ika-17 PBA Finals appearance, target ng 59-anyos na si Reyes ang kanyang pang-pitong Philippine Cup crown.
Kasalukuyang katabla ni Reyes si legendary Baby Dalupan sa kanilang tig-anim na All-Filipino Cup title.
“Maybe I’ll think about it much later if we get the chance. Right now, I’m really not thinking about it,” ani Reyes.
-
REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert
NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day. Tweet ni Regine last January 22, “Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman. “Please wag nyo na I repost.” […]
-
Halos 500,000 doses ng AstraZeneca ‘di pa naituturok kahit Hunyo na mapapanis
Nanganganib mapanis ang nasa kalahating milyong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na buwan, pero ayon sa Department of Health (DOH), ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pagdating nito sa braso ng mga mamamamayan. Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa katatapos lang na Laging Handa briefing na inere […]
-
Hong Kong, nagkakaubusan na espasyo sa morgue at supply ng kabaong sa dami ng mga namamatay dahil sa COVID-19
NAUUBUSAN na ng espasyo ang mga morgue sa Hong Kong dahil sa maraming mga biktima ang namamatay ngayon dahil sa COVID-19. Batay kasi datos ay nakapagtala na ng halos isang milyong impeksyon ng COVID-19 habang nasa mahigit 4,600 naman ang mga naitalang namamatay sa Hong Kong ng dahil sa nasabing sakit sa loob […]