• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Medvedev, kinoronahang hari ng ATP nang magwagi vs Thiem

Nadagit ni Russian tennis star Daniil Medvedev ang kampeonato sa ATP Finals sa London matapos na talunin nito si Dominic Thiem.

 

Bagama’t nabigo sa isang set, hindi nagpatinag si Medvedev at pinahiya si Thiem sa iskor na 4-6, 7-6 (7/2), 6-4 para makuha ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career.

 

Umabot sa dalawang oras at 42 minuto ang bakbakan ng dalawa sa loob ng bakanteng O2 Arena kung saan naging maganda ang paluan sa laro ngunit sa huli ay nanaig ang Russian fourth seed.

 

Dahil dito, inilista rin ng 24-anyos na si Medvedev ang panalo sa ika-10 sunod na laro kasunod ng kanyang titulo sa Paris Masters.

 

Habang kay Thiem naman, masaklap na pagkatalo ito lalo pa’t nabigo rin itong magwagi sa kaparehong torneyo noong nakaraang taon sa kamay ni Stefanos Tsitsipas.

Other News
  • Kaso ng COVID-19 bahagyang tumataas – OCTA

    NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research.     Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa […]

  • Djokovic makakakuha ng visa para sa 2023 Australian Open

    Ang dating world number one na si Novak Djokovic ay bibigyan ng visa para maglaro sa 2023 Australian Open, sinabi ng mga ulat ng lokal na media noong Martes, sa kabila ng kanyang deportasyon mula sa bansa bago ang torneo ngayong taon sa Enero.   Nagpasya ang gobyerno ng Australia na bigyan ng visa ang […]

  • CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE

    DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.   Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.   Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para […]