CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.
Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para sa Cash for Work program ng DSWD.
Ang mga cash for work beneficiaries ay maglilinis sa mga barangay, magtatanim at iba magsasagawa ng iba pang aktibidad para maibsan ang epekto ng climate change. Sila ay tatanggap ng P4,050 matapos ang 10 araw ng trabaho.
Maaari lamang mag-apply ang mga Navoteño na edad 22–59, maliban sa mga buntis, hanggang Agosto 28.
“Many lost their jobs due to business closure or downsizing. That is why we look for ways to lessen the impact of the crisis in our city and on our people,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.
Samantala, personal na namahagi si Navotas Cong. John Rey Tiangco ng 350 smart phones sa DepEd Division of City Schools, Navotas bilang suporta sa kanilang SOS o Support Our Students Program.
Ang SOS ay isang tawag ng bayanihan para mapunan ang mga pangangailangan sa distance learning ng ating mga K to 12 learners sa ating lungsod.
“Ano mang kabutihang loob na inyong maipagkakaloob ay malaking tulong po sa kabataan ng Navotas. Sa mga nais magpaabot ng suporta, makipag-ugnay po lamang kayo sa DepEd Division of City Schools ng Navotas”, panawagan ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)
-
Ipinagtanggol din niya ang inaakusahang direktor: ALBIE, nagpapasalamat na ‘di pa naranasan na ma-sexually harass
SA panahon ngayon, tuwing may mediacon at may young actor na kasali, tiyak na matatanong tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon, ang sexual harassment, partikular sa mga lalaking artista. Bunga ito ng eskandalong kinasasangkutan ngayon nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na usap-usapan sa buong Pilipinas. Kaya sa presscon […]
-
Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID
Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID. Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation. Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon […]
-
Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA
NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo. “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea. Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC. Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]