• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang P5.3-T budget gagamitin para pabilisin ang e-governance- DBM

GAGAMITIN ang panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023 para sa  transformation at digitalization ng government processes, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang ang mga Ito sa “top priorities” sa ilalim ng administrasyong  Marcos.

 

 

“Through digital transformation, our bureaucracy can improve the ease of doing business, limit human discretion, and enhance transparency in government transactions,” ayon sa Kalihim sa isang  video message sa isinagawang  economic forum na hinost (host) ng  Economic Journalists Association of the Philippines at San Miguel Corp.

 

 

Ang panukalang  2023 national budget ay makatutulong sa departamento upang  “build on past gains such as Executive No. 170 (s.2022) which was signed during the Duterte administration.”

 

 

Ang  Executive Order 170 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo 12, 2022,  nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.

 

 

Nakasaad pa rin sa EO na naging mabilis, convenient, secure at transparent ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa ilalim ng EO, lahat ng departmento, ahensiya, at instrumentalities ng gobyerno kabilang ang mga state universities at colleges, government-owned-or-controlled corporations, at maging ang mga local government units (LGUs) ay inaatasan na gamitin ang digital payments para sa kanilang disbursements at collections.

 

 

Lahat ng mga ahensiya na sakop sa EO ay dapat ipatupad ang ligtas at maayos na digital disbursement sa pagbabayad ng goods, services, at iba pang disbursements, kabilang ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong, suweldo, allowances at iba pang bayarin sa mga empleyado.

 

 

Para sa koleksiyon ng gobyerno, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat mag alok ng digital mode para sa pagbabayad ng buwis, fees, tolls st iba pang dapat kolektahin.

 

 

“With its effective implementation and through further digitalization as well as the proposed national government rightsizing program and cash-budgeting system, we aim to enhance bureaucratic efficiency to ensure quick and responsive public service delivery to the Filipino people,” ayon pa kay Pangandaman.

 

 

Aniya pa, gagamitin ng departamento ang panukalang budget para paghusayin pa ang umiiral na Government Integrated Financial Management Information Systems (GIFMIS).

 

 

“GIFMIS will significantly improve the cash management of our country’s treasury, allow greater financial management, improve data governance, and enhance oversight control,” ang pahayag ni Pangandaman.

 

 

Sinabi pa niya na  “an integral part of the GIFMIS is the Budget and Treasury Management System (BTMS), a web-based, fully-automated, and centralized database that will facilitate the generation of vital information on all aspects of government financial transactions and serve as an online ledger where transactions are mapped in real-time from purchase to payment.”

 

 

“The implementation of the BTMS is a crucial digitization initiative. It has already been introduced and pilot-tested in different government agencies and is presently being reviewed for improvement,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Magbigay ng ₱3,000 extra pay sa mga gurong apektado ng VCM issues

    HINIKAYAT ng Department of Education ang Commission on Elections na bayaran ang mga teaching at non-teaching personnel na nagbigay ng kanilang extra work nito lamang katatapos na halalan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na nakipag-ugnayan na sila sa Comelec sa bagay na ito at ipinanukala ang karagdagang bayad na ₱3,000. […]

  • Superliga beach volleyball, kinansela

    TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly.   Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon.   Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay […]

  • Trike driver binaril sa ulo ng rider, todas

    DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng isang hindi kilalang rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si alyas “Antonio”, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan. Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay […]