• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Superliga beach volleyball, kinansela

TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly.

 

Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon.

 

Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay na binubuo ng 16 koponan pero dahil sa epekto ng bagyo ay napagdesiyunan nilang kanselahin na muna ito.

 

Dagdag pa ng PSL, matinding deliberasyon sa pulong ang kanilang ginawa upang talakayin ang isyu na naghatid sa kanila sa nasabing desisyon.

 

Magugunitang tanging ang PSL lamang na non-professional sports at women’s league ang siyang inaprubahan ng IATF para sa pagsasanay at kompetisyon.