• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.

 

 

Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.

 

 

Basta’t pananatilihin lamang ng mga ito ang palagiang pagsunod sa ipinapatupad na minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at gayundin ang maayos na ventilation sa mga silid-aralan.

 

 

Sa datos ng DepEd, sa ngayon ay nasa 37,000 na mga guro na lamang ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Nasa 20,000 sa kanila ay nakapagpatala na para magpabakuna habang nasa 17,000 naman ang bilang ng mga guro ang hindi pa talaga rehistrado para makatanggap ng nasabing proteksyon laban sa coronavirus disease.

 

 

Samantala, batay naman sa pinakahuling datos ng kagawaran.. as of 7:00am ngayong araw ay umabot na 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula noong July 25.

 

 

Karamihan dito ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3,070,451 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll, na sinundan naman ng Region III na mayroong 2,366,003 , at National Capital Region na mayroong 2,295,245.

 

 

Magpapatuloy naman hanggang sa Lunes, August 22 ang nasabing enrollment para sa school year 2022-2023.

Other News
  • 2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek […]

  • OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas

    TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022.     Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs.     […]

  • 3 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong kalalakihan, kabilang ang 64-anyos na lolo matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal kung saan isa sa kanila ang nakuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City.       Sa report ni PMSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon mula sa […]