• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Consumers, ine-enjoy ngayon ang pagbagsak ng presyo ng asukal sa P70 kada kilo- PBBM

TAPOS na ang paghihirap ng mga ordinaryong mamimili  dahil bumaba na sa P70.00 kada kilo ang  presyo ng asukal o retail price nito sa mga supermarkets at  groceries sa Kalakhang Maynila.

 

 

Pinagbigyan kasi ng mga nagmamay-ari ng supermarket at grocery chains ang request ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ibaba nila ang presyo ng asukal sa P70.00 mula sa P90-P110 kada kilo.

 

 

Dahil dito. pinuri ni Pangulong Marcos ang walang pag-iimbot na tugon ng mga negosyante na batid kung kailan ibaba ang kanilang dapat sana’y magiging tubo para sa kapakanan ng  mga Filipino consumers na labis na naghihinagpis mula sa  kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng asukal at iba pang pangunahing bilihin.

 

 

“This is a classic display of the Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country. It is good to know that consumers are now enjoying the price-drop of sugar in the leading groceries and supermarkets,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, pumayag ang mga malalaking supermarkets sa bansa na ibaba ang preyso ng kada kilo ng asukal na kanilang ibinebenta.

 

 

Ito ay matapos makipag-usap ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa mga malalaking supermarket owners, tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping, base na rin sa kautusan ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

 

Nabatid na mula sa P90 hanggang P110 per kilo ay ibababa na ang suggested retail price na P70 kada kilo ng asukal.

 

 

“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” ani Rodriguez.

 

 

Sinabi ni Rodriguez na ang SM stores ay nangakong ang segundang asukal (washed sugar) ay ibebenta ng P70, gayundin ang Robinson’s Supermarket na magbabagsak ng isang milyong kilo ng asukal na ibebenta rin ng P70 kada kilo sa Metro Manila.

 

 

Nangako rin ang Puregold na ibababa sa P70 kada kilo ang presyo ng kanilang refined sugar at gagawing available sa publiko ang 2 milyong kilo.

 

 

Upang matiyak na maraming ‘consumers’ ang makabibili ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bawat merkado upang maiwasan din ang posibleng ‘household hoarding’ ng ilang nangangalakal na mamimili.

 

 

Inaasahang babagsak ang presyo ng asukal sa Metro Manila sa susunod na linggo at mananatili ang P70 kada kilo ng asukal’ sa merkado hangga’t may sapat na supply.

 

 

Ang Savemore Market ay itinuturing na ‘fastest growing format’ ng SM Markets.

 

 

Nagsisilbi rin itong ‘umbrella brand’ ng SM Supermarket, SM Hypermarket at Savemore, pati ang its sister company na Alfamart.

 

 

Mayroon itong 1,500 stores na binubuo ng 206 Savemore stores, siyam na Savemore Express stores, 60 SM Supermarket stores, 53 SM Hypermarket stores, at 1,201 Alfamarts.

 

 

Ang Robinsons Supermarket, isang dibisyon ng Robinsons Retail Holdings, Inc. ang ikalawang pinakamalaking supermarket chain sa Pilipinas na may 274 stores nationwide.

 

 

May 280 operating stores at mahigit 20 food service stalls naman sa buong bansa ang Puregold Price Club, Inc.

 

 

Ayon pa kay Rodriguez, maging ang Victorias Milling Company ay nangako rin upang tulungan ang mga ‘traders food manufacturing industries’ sa pamamagitan ng 45,000 sako at 50 kilos per sack bottler-grade sugar para soft drinks companies, tulad ng like Coca-Cola, Pepsi at RC Cola.

 

 

Ang Victorias Milling Company, Inc. (VMC or the Company) na may produktong ‘integrated raw and refined sugar’ ay mula sa Barangay XVI, Victorias City, Negros Occidental.

 

 

Ang kumpanyang ito na pinakamodernong sugar company sa bansa ay itinatag noong May 7, 1919 ni Don Miguel J. Ossorio.

 

 

Bukod dito, nakipagpulong rin si  Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) para pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.

 

 

Ang PCFMI ay principal organization ng manufacturers and distributors ng mga food products sa bansa. Responsable sila sa pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya at murang processed food products alinsunod sa local and international standards and regulations.

 

 

Plano rin ng Pangulong Marcos ang direct importation ng mga food manufacturers bilang bahagi ng ‘emergency measures’ sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng industriya. Kailangan lang nito ng approval ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung saan naman chairman ang Pangulong Marcos.

 

 

Ayon kay Pangulong Marcos, hangad niya ang maayos na takbo ng mga negosyo.

 

 

Kasama rin ang magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mamamayan lalo na sa industriya ng fast-moving consumer goods.

 

 

Kaya naman ani Pangulong Marcos, kanyang sinusuri ang pagtatakda ng malinaw na sistema na may kinalaman sa pagtaas ng suplay ng asukal. (Daris Jose)

Other News
  • Mandatory SIM Registration Bill, pasado na sa Senado

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1310 o ang Mandatory SIM Registration Bill.     Sa botong 20 pabor at walang tutol ay nakalusot sa pinal na pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukala.     Binuhay at minadali ang pagpapatibay sa panukala upang mabigyang proteksyon ang publiko laban […]

  • Government workers binigyang pagkilala ng PCSO

    PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisi­mula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas.     “Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. […]

  • 3 PBA star players, dumalo sa blessing ng bagong renovate na sports complex sa Navotas

    DUMALO bilang espesyal na mga panauhin ang tatlong star players ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbubukas ng bagong renovate na sports complex sa Navotas City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-16 na Anibersaryo nito.     Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para […]