• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P546 milyong budget ng PSC para sa major events sa 2023

PONDONG  P546 milyon ang ipinanukala ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa partisipasyon ng mga national athletes sa siyam na malalaking international competitions sa 2023.

 

 

Kabilang rito ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 2-16 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 

 

Ang paglahok ng Pinas sa 2023 Cambodia SEA Games ay gagastusan ng P250 milyon habang P100 milyon para sa Hangzhou Asiad.

 

 

“We are hoping that the proposed budget will be approved by our country’s leaders,” ani PSC Commissioner at Officer-in-Charge Bong Coo kahapon.

 

 

Ang proposed budget ay isinumite ng PSC sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Sasabak din ang mga Pinoy athletes sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia sa Hunyo 3-9 at sa Asian Para Games sa Hangzhou sa Oktubre 22-28 pati sa mga world-level competitions na FIBA at FIFA.

 

 

Bukod pa ito sa 2nd World Beach Games sa Bali, Indonesia sa Agosto 5-17, sa 4th World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia sa Oktubre 5-14, 2023 at sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Bangkok-Chonburi, Thailand sa Nobyembre 17-26.

Other News
  • Ads August 12, 2022

  • Bagong toll rates sa Cavitex, ipapatupad na sa May 22

    MATAPOS  ipagpaliban ng sampung araw, tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo), ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.     Matatandaang inanunsyo ng Cavitex Infrastructure (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), sa pakikipagtulungan ng  Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa […]

  • FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

    Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.     “Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng […]