• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TV5, pinagsusumite ng clearance para makakuha ng ‘go signal” ng NTC

DAPAT munang magsumite ang  TV5 Network Inc. ng   clearance mula sa iba’t ibang  national government agencies at local government units bago aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC)  ang investment agreement nito sa ABS-CBN Corp.

 

 

Sa isinagawang pagdinig sa House committees on legislative franchises and trade and industry, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, may ipinalabas na  memorandum order na nagre-require sa  franchise holder  na dapat ay “no outstanding obligations” sa  national at local governments bago pa ito pumasok sa isang commercial contract sa ibang entity.

 

 

“So for purposes of this, bago po namin aprubahan ang isang commercial agreement entered into na may jurisdiction ang National Telecommunications Commission ay hihingi po kami ng clearances doon po sa kontrata ng franchise holder and that includes clearances from the Department of Finance, nandyan po kasi ang Bureau of Internal Revenue, and nandiyan din po ang Bureau of Customs,” ayon kay Cordoba.

 

 

Sinabi ni Cordoba  na magpapalabas ang NTC  ng  clearance kung ang franchise holder ay walang outstanding obligations o nakabinbing  kasong administratibo.

 

 

Nire-require rin ng NTC ang  franchise holder  na humingi ng clearance mula sa  Securities Exchange Commission (SEC), at  local government units kaugnay sa local taxes o real property taxes.

 

 

Aniya, ipatutupad din ng komisyon ang koleksyon ng buwis para makalikom ng mas maraming kita, lalo na ang pondohan ang “response and recovery efforts” sa  coronavirus pandemic.

 

 

“So kung ito po ay itutuloy ng TV 5 ang kanilang  transaction with ABS-CBN then we would ask for the said clearances to be submitted to the NTC before we can approve the commercial agreement that they entered into,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, pansamantalang maantala ang “closing preparations” sa paghahati ng ABS-CBN at MediaQuest sa shares ng TV5 upang sagutin ang mga kwestyong ibinabato sa ngayon ng ilang mambabatas at National Telecommunications Commission (NTC).

 

 

Matatandaang, noong  Agosto 11  nang i-anunsyo ng dalawang media companies na napagkaisahan nilang bigyan ng ng 34.99% ng total voting at outstanding capital stock ng TV5 ang ABS-CBN habang ibababa naman sa 64.79% ang hawak ng MediaQuest sa Kapatid Network.

 

 

Sa kabila nito, agad itong pinalagan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba at sinabing dapat munang maklaro ng Kapamilya Network ang kanilang mga “violations” na naging dahilan daw kung bakit ipinagkait noon ng Konggreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.

 

 

“To address the issues which have been raised by certain legislators and the [NTC] on the proposed investment by ABS-CBN for a minority interest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations,” wika ng dalawang kumpanya sa isang joint statement, Miyerkules.

 

 

“This pause will give the space for both media organizations to respond to the issues and accommodate any relevant changes to the terms.”

 

 

Ang lahat ng ito kahit na Bureau of Internal Revenue na regular namang naghahain at nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN, maliban pa sa “pagsunod sa lahat ng labor laws.”

 

 

Matatandaang hindi nagawaran ng bagong legislative franchise noon ang ABS-CBN kung kaya’t nahainan sila ng “cease and desist order” ng NTC.

 

 

“Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media, and on free-to-air television — which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos,” panapos ng Kapamilya at Kapatid Networks.

 

 

Bago ang deal sa pagitan ng dalawang kumpanya, ineere na noon ang ilang palabas ng ABS-CBN sa TV5 bilang block-timer.

 

 

Una nang Enero 2022 lang nang maibalitang inilipat na ng NTC sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Sen. Manny Villar ang pagpapatakbo sa mga frequencies na dating naka-assign sa ABS-CBN.

 

 

Dati nang nabatikos ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere ng mga press freedom advocates at labor groups lalo na’t nabawasan pa raw ng mapagkukunan ng impormasyon ang publiko, maliban pa sa pagkakawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa’t empleyado. (Daris Jose)

Other News
  • Kim, sinagot sa kanyang vlog ang mga mean comments ng mga netizens

    SINAGOT ni Kim Chiu sa pamamagitan ng vlog ang mga mean comments ng mga netizens.   Ayon kay Kim, marami raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawin ito at celebration na rin daw dahil naka-2 million subscribers na ang kanyang You Tube channel.   Aniya, “In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages […]

  • VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec

    NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections.     Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]

  • PBBM, nakipagpulong sa ICT executives

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at  South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang.     Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]