• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kim, sinagot sa kanyang vlog ang mga mean comments ng mga netizens

SINAGOT ni Kim Chiu sa pamamagitan ng vlog ang mga mean comments ng mga netizens.

 

Ayon kay Kim, marami raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawin ito at celebration na rin daw dahil naka-2 million subscribers na ang kanyang You Tube channel.

 

Aniya, “In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages or hate comments. Kasi wala lang, gusto ko lang saktan ‘yung self ko ng very little.”

 

Siyempre, isa sa sinagot niya ay ang parating sinasabi sa kanya ng mga tao na tanga siya na nagsimula nga sa “classroom statement” niya noon.

 

      “Grabe naman maka-tanga. Naka-graduate naman ako, ah. Saka naka-graduate ako with honors, saka name-memorize ko ‘yung lines ko, and ‘yung dance ko, and ‘yung song.”

 

Dagdag pa niya, “wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang. Di ba? Saka ‘yung mga pagkakamali na ‘yun, it will help you grow. It will thicken your character in life, it will make you strong. ‘Yung mga pagkakamali natin, kaya tayo binigyan ng mga pagkamamali para matuto tayo. So, huwag tanga agad.”

 

Sinagot din niya ang comment na duwag daw ang mga artistang tinu-turn-off ang comment section sa social media. Of course this is pertaining to her dahil may time talaga na ginagawa niya rin ito.

 

“Grabe, hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-share ng ginagawa ko or gusto ko lang maka-inspire ng mga tao sa ginagawa ko? And gusto ko lang ikwento ‘yung mga ginagawa ko. “Parang ganu’n lang naman siguro ‘yung mundo ng social media. Gusto nating mag-share ng kung ano ‘yung gusto nating i-share sa mga tao. Hindi naman lahat sine-share natin.

 

      “So kaming mga celebrities, natutuwa kami na i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi n’yo nakikita on cam. So with the use of Instagram, Twitter, YouTube, lalo na ang YouTube.

 

      “Dito n’yo nakikita ang totoong kami. And kung i-turn-off man namin ‘yung comment section namin. ‘yun ay tao rin naman kami,” mahabang paliwanag ni Kim.

 

Minsan daw ay nagiging dahilan pa ito para mag-away-away ang mga fans.

 

      “’Yung mga mahal ka at hindi ka mahal, pinag-aaway-away mo dahil du’n sa comment box. Ikaw pa ‘yung nagla-light ng fire para mag-away-away ang mga tao. So, might as well, patayin mo na lang ‘yung comment box.”

 

*****

 

TULOY na tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival 2020.

 

Kahit na may pandemic, hindi ito naging hadlang para hindi i-push ng pamunuan ng MMFF at MMDA na makapagpalabas ng mga pelikula ngayong Kapaskuhan.

 

Sa unang pagkakataon, hindi ito mapapanood sa mga sinehan kung hindi sa online. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Globe, Upstream & Gmovies.

 

Kung ang usual 8 official entries tuwing Kapaskuhan, ngayon ay mas maraming choices ang manonood, 10 na ang official entries at dahil nga online, kahit ang mga Pinoy na nasa iba’t-ibang bansa ay makakasabay na rin sa panonoood.

 

Aminado naman ang lahat katulad nina Direk Joel Lamangan at Harlene Bautista, mga director at producer ng isa sa entry, ang Isa Pang Bahaghari na iba pa rin ang traditional theater, hinahanap-hanap daw niya ang dilim ng sinehan.

 

Gayundin ang director ng isa pang movie na na-deny noong Summer MMFF, pero nakapasok ngayong MMFF 2020 na Suarez, The Healing Priest na si Direk Joven Tan na, “Sabi nga ni Direk Joel, iba ang experience sa loob ng sinehan pero iba rin yung mas ligtas tayo. Kasi, ayoko rin namang i-risk yung health natin.”

 

So far, marami naman ang positibong feed back na naririnig at nababasa namin sa 10 line-up ng movies. Kahit may mga pumasok noong Summer MMFF na wala na ngayon tulad na lang ng A Hard Day ni Dingdong Dantes. At may mga naka-plano sana for this Christmas na ‘di umabot ang pelikula. Isa na rito ang pelikula ni Vice Ganda.

 

Narito ang sampung official entries for MMFF2020:

  1. Magikland Cast: Bibeth Orteza, Miggs Cuaderno and Jun Urbano,

Director: Christian Acuña

  1. Coming Home Cast: Sylvia Sanchez and Jinggoy Estrada

Director: Adolf Alix Jr.

  1. The Missing Cast: Ritz Azul, Joseph Marco, and Miles Ocampo

Director: Easy Ferrer

  1. Tagpuan Cast: Iza Calzado, Alfred Vargas, and Shaina Magdayao

Director: MacArthur Alejandre

  1. Isa Pang Bahaghari Cast: Nora Aunor Phillip Salvador and Michael de Mesa

Director: Joel Lamangan

  1. Suarez: The Healing Priest Cast: John Arcilla, Alice Dixson, and Jin Macapagal

Director: Joven Tan

  1. Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim Cast: Vhong Navarro and Barbie Imperial

Director Toppel Lee

  1. Pakboys Cast: Janno Gibbs, Andrew E, Jerald Napoles, and Dennis Padilla

Director: Al Tantay

  1. The Boys Foretold By The Stars Cast: Keann Johnson and Adrian Lindayag

Director: Dolly Dulu

  1. Fan Girl Cast: Paulo Avelino and Charlie Dizon Director: Antoinette Jadaone (ROSE GARCIA)
Other News
  • Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.”     Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi.     Ayon kay Bukidnon […]

  • Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec

    Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.     Alas-8:00 […]

  • Pacquiao, Ugas nagkita na!

    Sa kauna-unahang pag­kakataon, nagkaharap na sina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas.     Dahil replacement lamang si Ugas, hindi na nakapagsagawa pa ng press tour sina Pacquiao at ang Cuban pug.     Orihinal sanang makakalaban ni Pacquiao si Errol Spence Jr. ngunit sumailalim ito sa […]