• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang walk-in sa educational ayuda – DSWD

WALA nang mangyayaring walk-ins sa gagawing pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila.

 

 

Nagpayo si DSWD Sec­retary Erwin Tulfo  na sa mga nais maka­ku­ha ng cash assistance ay kailangang mag-register sa https://bit.ly/3dB9mSg o mag-email sa ciu.co@dswd.gov.ph.

 

 

Ang aplikante anya ay maaaring tingnan ang DSWD website at social media accounts para sa mga katanungan at ibang mga detalye para dito.

 

 

Malaki ang paniwala ni Tulfo na ang mga kalituhan sa nagdaang sistema ng payout ang nagbukas sa kanilang gamitin ang digital system sa pamamahagi ng ayuda.

 

 

Ang mga aplikan­te ay tatanggap ng  text message mula sa  DSWD para malaman kung saan ang ka­nilang  payout sites.

 

 

“Pipiliin namin alphabetical, siguro this ?coming Saturday ‘yung mga apelyido na nagsisimula sa letrang A hanggang F so ‘yun muna ang ia-accommodate natin for this ?coming Saturday, nationwide ‘yun,” paliwanag pa ni Tulfo.

 

 

Makaraang suspendihin muna ang pamamahagi ng cash aid sa mga mag-aaral noong nagdaang Sabado dahil sa dumagsang mga tao, muling magsisimulang mamahagi ng ayuda ang DSWD para dito sa darating na Sabado.

 

 

Kaugnay nito, lumagda ng isang memorandum of agreement si Tulfo at DILG Secretary Benhur Abalos para magtulungan sa pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral.

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga local go­vernment units (LGUs) ang magsasabi ng payout site at maglalagay ng dagdag na tauhan tulad ng mga social workers na susuri sa mga dokumento ng mga aplikante at maglalagay ng police at barangay officers sa lugar para sa maayos at matahimik na pamamahagi ng cash aid.

 

 

Tanging certificate of enrollment at identification card ang dadal­hin ng benepisyar­yong mag-aaral para makausap ng tauhan ng DSWD at matanggap ng mga ito ang kanilang financial assistance. (Daris Jose)

Other News
  • Motion for reconsideration balak ihain ng ilang petitioners kasunod nang desisyon ng SC vs Anti-Terror Law

    Aapela ang ilang mga petitioners kontra sa Anti-Terror Act (ATA) kasunod ng naging pasya ng Korte Suprema na pagtibayin ang naturang batas habang ideklarang unconstituional naman ang ilan sa mga probisyon nito.     Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, maghahain sila ng motion for reconsideration sa ruling ng Supreme Court sa […]

  • Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan

    KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove […]

  • PH COVID-19 cases higit 611K -DOH

    Matapos ang anim na buwan, nakapagtala muli ang Pilipinas ng higit 4,000 kaso ng COVID-19.     Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 4,578 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado, Marso 13. Ito na ang pinakamataas mula noong September 14, 2020, kung saan nakapagtala ang bansa ng 4,699 new cases.     Dahil […]