• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Florita’ iniwan P33.7-M halagang pinsala sa imprastruktura, P3.4-M sa agrikultura

MILYUNG -milyong halaga ng pinsala na ang idinulot ng nagdaang bagyong “Florita” sa buong Pilipinas sa ngayon ayon sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) — ito habang apektadong populasyon lumobo sa 71,468 katao.

 

 

Ayon sa NDRRMC, Biyernes, umabot na sa P33,700,000 halaga ng damage na ang naidulot ng sama ng panahon sa buong bansa:

 

Ilocos Region (P10,200,000)

Cagayan Valley (P23,500,000)

 

 

Pagdating sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa P3.414,672 ang halaga ng production loss o pinsala sa Region 1.

 

 

Sinasabing 324 magsasaka at mangingisda na ngayon ang apektado na siyang sumasaklaw sa 633 ektaryang taniman na bahagyang na-damage. Aabot naman na sa 223 metric tons ang volume ng production loss sa ngayon.

 

 

Bukod pa sa imprastruktura at agirkultura, aabot naman sa 33 kabahayan ang nasira mula sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

 

 

Ganito ang itsura sa ngayon ng mga apektadong populasyon kung titilad-tilarin:

 

patay (2 kumpirmado, 1 for validation)

sugatan (3 kumpirmado, 1 for validation)

apektadong tao (71,468)

lumikas sa loob ng evacuation centers (3,700)

lumikas na wala sa evacuation centers (630)

 

 

Nakapagbigay naman na ng P6.32 milyong halaga ng tulong sa ngayon para sa mga pamilyang naapektuhan sa Regions 1, 2, 5 at Cordillera.

 

 

Kasama na sa mga naipamahagi ang family kits, hygiene kits, family food packs, atbp.

 

 

“As of August 25, more than P4.4 million worth of food and non-food items were already sent [by the Department of Social Welfare and Development] to affected localities, with the bulk of assistance worth P3.1 million delivered in Region II,” wika ng DSWD sa isang pahayag nitong Huwebes.

 

 

“The rest were provided in Regions I, III, CALABARZON, and the Cordillera Administrative Region (CAR).” (Daris Jose)

Other News
  • The Voice Cast Shares How Their Kids Love ‘PAW Patrol: The Movie’

    RAISE your PAWs up if your kids can’t stop talking about PAW Patrol!     Check out the newly released feature below on how the kids of the voice cast (led by Kim Kardashian, Dax Shepard, Tyler Perry and Jimmy Kimmel) love PAW Patrol: The Movie.   The PAW Patrol is on a roll! When their biggest […]

  • HOUSE BILL 7034, ISABATAS

    Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034.   Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. […]

  • PH, UK tinintahan ang defense pact; inaasahang kabilang sa prayoridad ang maritime domain

    KAPWA tinintahan ng Pilipinas at United Kingdom (UK) ang memorandum of understanding (MOU) na bumabalangkas sa nilalayon na defense engagements ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.     Inaasahan na makakasama bilang isa sa mga prayoridad ang maritime domain.     Ang MOU ay nilagdaan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) […]