PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang kakaibang katapangan at giting sa pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.
Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng mga Pambansang Bayani, Agosto 29.
“We remember and honour each of them for the sacrifices they made in our behalf so that we may live in peace, security and liberty as well as realize our full potential as Filipinos,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.
Sinabi ng Chief Executive na hindi dapat na malimutan ang naging pamana o legado ng mga bayani sa kanilang naging kabayanihan na aniya’y nakikita rin naman ngayon sa mga medical professionals, civil servants, uniformed personnel at mga ordinaryong mamamayan.
“Their deeds not only remind us of the nobility of our race, but laso invite us to take part in the difficult but rewarding task of nation-building,” aniya pa rin.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, ang mga filipino ay patahak sa kadakilaan at nananatiling nananalaytay sa dugo nito ang kabayanihan.
Sa huli ay inihayag ni Pangulong Marcos na ang bawat isa’y may kani-kanyang taglay na kabayanihan na maaaring ipagmalaki at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
“We are Filipinos, a people destined to greatness. In our veins flow the blood of heroes and in our bodies reside the indomitable spirit required to accomplish incredible feats so long as we manifest our will into action,” ayon sa Pangulo sabay sabing “As we celebrate this day dedicated to our nation’s heroes, let us strive to fulfill our own promise so that we may also be heroes in our own right and a source of pride and inspiration for the succeeding genaration of Filipinos to emulate.” (Daris Jose)
-
20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG
Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG). Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila. Sinabi […]
-
Godzilla vs. Kong Sequel Filming Later This Year In Australia
A new report reveals that the sequel to Godzilla vs. Kong will start filming later this year in Australia. Acting as the fourth installment in Legendary Entertainment’s Monsterverse, Godzilla vs. Kong sees the two titular titans face off in a battle of epic proportions. The film follows the events of Godzilla, Kong: Skull Island, and […]
-
Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas
Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury. Si Go ang top overall pick sa special Gilas round […]