Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis at military personnel kapag nagsimula na ang pagpapabakuna sa Mayo 2021.
“I need a healthy military and police kasi kapag magkasakit lahat ‘yan, wala na ako maasahan, wala tayo mautusan,” ayon sa Pangulo.
Kaya, humingi ng pang-unawa si Pangulong Duterte sa publiko sabay sabing ang mga uniformed personnel ay mga “errand boys” ng taumbayan.
Tinukoy ng Pangulo ang kamakailan lamang na rescue efforts na ginawa ng mga uniformed personnel matapos ang sunud-sunod na bagyo na naminsala sa bansa.
“Kita naman ninyo ‘yung baha sa Luzon. Kita ninyo military, Coast Guard, lahat na pumupunta doon, at pulis. And then they have to take care of the law and order situation. Huwag na ninyo masyado pahirapan ‘yung pulis, wala naman kayong gawin. Matulog na lang kayo kaysa mag-inuman diyan tas magkagulo,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na maaari nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccines sa publiko sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.
Ani Galvez, tinitingnan ng pamahalaan na mag-advance procurement ng 24 million vaccines sa loob ng first quarter ng susunod na taon.
Ang initial batch ng bakuna ay para sa mga frontliners, indigents, at vulnerable sectors. (Daris Jose)
-
Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas
NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak. Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas araw ng Linggo. Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]
-
P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11 billion para sa budgetary requirement para sa performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa 900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd). Sinabi ng DBM na may kabuuang P11.6 billion ang ipinalabas para sa […]
-
Terrafirma olats sa Bolts
Hindi pinaporma ng Meralco Bolts ang NorthPort 107-102 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Governors’ cup sa Philsport Arena. Bumida sa panalo ng Bolts si KJ McDaniels na nagtalaa ng 32 points at 22 rebounds para madala sa ikalawang sunod na panalo ng Bolts. Nag-ambag naman ng 16 points si Chris Newsome […]