PBBM, pinuri si Obiena sa pagkapanalo sa Germany meet
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos magwagi sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim, Germany.
“Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang Facebook post.
“Ang pinakitang gilas ni EJ sa larangan ng pole vault ay isang katangiang maaaring tularan ng mga kabataang nangangarap na maging isang atleta,” dagdag na pahayag nito
Kaagad namang in- acknowledged ni Obiena ang post ng Pangulo, sa Facebook din
“Maraming salamat po, President Bongbong Marcos, for the congratulatory message and recognition. I hope I did the country proud,” ani Obiena.
Sa ulat, naging makabuluhan ang pagbabalik-aksyon ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos masungkit ang medalyang ginto sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany nitong Miyerkules .
Nakubra ni Obiena ang medalya nang matalon ang 5.81 metro kaya natalo nito si world No. 2 Chris Nilsen ng United States, nakakuha lamang ng ikalawang puwesto nang malampasan ang 5.71 metro habang si Kurtis Marschall ng Australia ay nakuha ang ikatlong puwesto.
Nabigong maitala ni Obiena ang 5.95 metro matapos ang tatlong beses na pagtatangka.
“Great start for the second part of the season,” banggit ni Obiena sa kanyang Facebook post.
Sasabak din si Obiena sa Athletissima Meet sa Lausanne, Switzerland simula Agosto 25-26, bago ang pagsalang sa True Athletics Classics sa Leverkusen sa Germany sa Agosto 28. (Daris Jose)
-
Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30
ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa. “The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate […]
-
Paalala sa lahat na maging matapat, mapanuri at patas: DINGDONG at MARIAN, pinangunahan ang election advocacy campaign na ‘Dapat Totoo’
BUKOD sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na ‘Dapat Totoo.’ Pinangunahan ito nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa […]
-
Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino, Bukás Na!
BUKAS na ang Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino tuwing Miyerkoles ng bawat linggo mula 22 Pebrero hanggang 26 Abril 2023, 9:00 nu hanggang3:00 nh sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino, MalacañangComplex, Lungsod Maynila. Tampok ang mga aklat na inilalathala ng KWF na naglalayong maabot ang mga Pilipino sa layunin […]