Big-time oil price hike, umarangkada na naman
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
SIMULA alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market.
Anila, magtataas sila ng P1.40 sa kada litro sa presyo ng gasolina, P6.10 sa kada litro sa presyo ng diesel at P6.10 sa kerosone.
Ayon sa Cleanfuel ganito rin ang ipatutupad nilang pagtaas maliban sa kerosene.
Wala namang abiso ang iba pang oil companies para sa pagtataas ng presyo ng kanilang oil products. (Daris Jose)
-
Tuwang-tuwa dahil ‘di nagbago ang Megastar: SHARON, hindi pa rin maka-get-over sa mga sinabi ni JESSICA
AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya maka-move on sa mga magagandang sinabi ni Ms. Jessica Soho. Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, “Hanggang ngayon, di parin ako makaget-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa youtube channel ko. “Iba kung ang isa sa pinakatitingala […]
-
SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG
KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila. Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]
-
Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon
NAKAPASOK sa Rugby World Cup ang bansang Chile. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado. Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro. Dahil dito ay kabilang […]