• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends

HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang inisyatibang ito ay naglalayong bigyang-daan ang mga single parent, mahihirap na pamilya, magsasaka, mangingisda at indibidwal na naghahangad na mapabilang sa 4Ps.

 

 

“Bubuksan natin ang mga gate ng DSWD,” ayon kay Tulfo.

 

 

Ang mga pangalan ng mga indibiduwal at pamilya ayon sa Kalihim na i- enroll o  ipatatala ang kanilang mga sarili para makasama sa programa ay “still subject to validation and verification” ng mga tauhan ng DSWD para madetermina kung sila ay nasa klasipikasyon ng “mahirap” batay sa  gamit na gagamitin ng  standardized targeting system o “Listahanan.”

 

 

“Enrolled households during the On-Demand Application (ODA) have no guarantee to be automatically included in the program as they will undergo further evaluation and should meet the eligibility set by 4Ps,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa nito na ang listahan naman ng mga  graduating o mga aalising pamilya mula sa  4Ps parent leaders ay isasailalim sa masusing balidasyon at cross-matching sa database ng departamento at sa resulta ng Listahanan 3.

 

 

“Iko-compare po natin ang listahan nila [parent leaders] sa listahan ng 4Ps to make sure na lahat ng aalisin natin ay talagang makatatayo na sa kanilang mga paa,” pahayag ni Tulfo.

 

 

Tiniyak pa nito ang walang pag-aalinlangan na implementasyon ng 4Ps na naglalayong tulungan ang mas maraming karapat-dapat na mahihirap na pamilya.

 

 

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan.

 

 

Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.

 

 

Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.

 

 

Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na napalaya sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.

 

 

Ang DSWD ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. (Daris Jose)

Other News
  • LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99

    Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99.     Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game.   […]

  • Nicole Kidman confirms returning for ‘Practical Magic 2’ alongside with Sandra Bullock

    NICOLE Kidman confirms that she will be returning for Practical Magic 2 alongside her original co-star Sandra Bullock. Based on the 1995 novel of the same name by Alice Hoffman, Practical Magic starred Kidman and Bullock as a pair of magically endowed sisters who seek to use their powers to destroy the evil spirit of […]

  • Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda

    Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda.     Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap […]